HINIMATAY raw si Pangulong Aquino.
Kasi’y nakita niya na NANLUPAYPAY ang kanyang ratings. Nyar, har, har!
Pero agad din itong PINABULAANAN ng Malakanyang. Alangan namang AMININ.
Hindi po ba, mga suki?
Kahapon sa press briefing ng itatayong South Luzon Expressway Toll sa Tiaong, Quezon, mismong si PNoy ang nagpabulaan sa balitang HINIMATAY siya.
Hindi raw totoo ang TSISMIS sa kanya. Kahit itanong pa ninyo kay KRIS.
Nye, he, he!
Ang buwelta ni PNOY, tulad daw ng sabi ng matatanda, walang mapapala ang mga nagpapakalat ng TSISMIS.
Pero ika nga, sabi rin ng matatanda, walang USOK kung walang APOY.
E, teka nga. Bakit ba nabalitang HINIMATAY ang Pangulo nating si Noynoy?
E, kasi naman, LUMAGAPAK nang sobra ang kanyang ratings.
Bumagsak nang sobra ang kanyang popularidad maging ang ibinibigay na tiwala sa kanya ng sambayanang Noypi.
Aba’y HIHIMATAYIN nga.
Ngunit kahapon, sinabi ni PNoy na nakita pa raw siya ng media noong Sabado na wala raw siyang SUGAT sa noo, patunay na hindi siya HINIMATAY.
Dyosme! Nangangatwiran pa talaga.
***
IBINALIK na ang dalaw sa BILIBIB.
Nagtatalunan ngayon sa tuwa ang mga pusher…pati ang mga adik na preso!
Pero mas masayang-masaya ang mga TIGANG kay misis.
***
MAGWEWELGA raw ang mga jeep bukas.
Hayyy…salamat naman!
Bakit tayo nagpapasalamat?
Kasi’y kahit isang araw man lang ay LULUWAG ng konti ang mga lansangan sa trapiko.
Magwelga na rin sana ang mga bus.
Bwar, har, har! KANTO’T SULOK/NATS TABOY
