Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

NOSI BALASI, IQBAL ET AL?

$
0
0

SINO ba sila, sina Al Haj Murad Ebrahim, Mohagher Iqbal at mga pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF)?

Si Ebrahim ay chairman at si Iqbal ay chief negotiator ng MILF, ayaw nilang ipaalam kung ano ang tunay nilang pangalan.

Pinoy ba sila o mga Malaysian?

‘Yan ang tanong ng mga senador.

“Ako ay ipinanganak sa Mindanao,” paliwanag ni Iqbal, pero hindi niya sinabing siya’y Pinoy.

Kapwa may passport sina Ebrahim at Iqbal dahil sila ay nakabibiyahe sa abroad, lalo na sa Malaysia, sa Japan at maaaring pati na sa ibang bansa.

Anong passport ba ang hawak nila?

Maski ang Bureau of Immigration (BI) ay walang alam. Wala raw Iqbal sa listahan ng immigration.

May listahan ang BI ng mga taong kasama sa peace talk sa Kuala Lumpur sa mga petsang may pagpupulong ang MILF at Philippine panel kaya madaling matumbok kung sino sila.

Baka nga katabi pa nila sa upuan sa eroplano si Teresita Deles at si Miriam Coronel-Ferrer, na mukhang sila mismo ang mga bagong tagapagsalita ni Iqbal.

May sweldo rin pala si Iqbal sa Philippine government. Pay to cash kaya ang tseke niya para incognito siya tuwing nagwi-withdraw siya ng pera?

Si Iqbal daw ay may bank account pero alias lang ang pangalan.

Si Pangulong Noynoy lang ang makapagsasalita kung ano talaga ang mga tunay na pangalan nila.

Pero no talk siya.

Ang sabi ni Mrs. Ferrer, okay naman daw ang paggamit ng alias.

Sa ating perang papel, nakapirma pa nga si Joseph Erap Estrada kahit na ang tunay niyang pangalan ay Joseph Ejercito.

Sa lahat ng mga dokumento ni Pangulong Noy, pati na sa pera natin, siya’y si Benigno S. Aquino III at hindi Benigno Cojuangco Aquino.

Si Erap Estrada at si Benigno S. ay may official document na nagpapatunay na sila nga ang mga taong ito.

Si Ebrahim at si Iqbal ay undocumented. Alien kaya sila? DEEP FRIED/RAUL VALINO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Lagarto para colorear


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>