KUNG ‘inutil’ na maituturing ang Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) at ang ‘Sheriff’s Office’ ng Parañaque, inutil din kaya ang tanggapan ni Mayor Edwin Olivarez?
Ito ang naglalaro sa isipan ng mga taong diskontento sa patuloy na pagtatayo ng Diamond Bay Tower Condominium sa Roxas Blvd., sakop ng ‘City of Dreams’ ni Mayor Olivarez.
Bakit naman? Kasi nalaman na natin na noon pang-2004, kung hindi tayo nagkakamali ng pagbasa, na higit sa isang dekada na ang nagdaan, mayroon nang cease and desist order (CDO) ang HLURB laban sa Diamond Tower.
Ora mismo noong July 20, 2004 ay pirmado ito ni dating HLURB-NCR Director Jesse A. Obligacion at naka-address naman kay Mr. Bennie Cuason, presidente ng Standford Resources & Development Corp., na developer ng proyekto na inisyu ng CDO dahil sa sandamakmak na paglabag sa mga patakaran at regulasyon ng HLURB at mga natanggap na reklamo ng ahensiya.
Pero mukhang may maimpluwensiyang taong ang nasa likod ng Diamond Bay/Standford dahil walang nangyari sa CDO kaya nga noong Hulyo 18, 2012, ang Sheriff’s Office na ng Parañaque ang inatasan na magpatupad sa CDO.
Ang siste ay wala pa ring nangyari, tangna naman.
Patunay nito ay ang nabasa nating panibagong reklamo laban sa Diamond Bay/Standford nitong Marso 11 na nakasampa sa HLURB dahil sa patuloy na pagtatayo ng naturang condo kung saan ang “napeperwisyo”naman ay ang mga katabi nitong establisimyento.
Eh, saan naman kaya kumuha ng awtoridad ang Diamond Bay na ito para ituloy ang konstraksyon nito kung walang permiso ang HLURB?
E, ang balita ko ay wala rin daw ‘construction permit’mula sa tanggapan ni Mayor Edwin ang Diamond Bay, kung walang permiso sa HLURB at kay mayor. Saan sila kumuha sa barangay. He..he.. he..he..
***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
