Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KRIMEN DITO, KRIMEN DOON

$
0
0

_bong paduaMAN watching TV shot dead, robbers Php500k richer, woman shot dead, reporter ambushed, riding in tandem strikes again!

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, ganito ang mga balitang natutunghayan sa mga pahayagan at ulat sa mga radyo at telebisyon.

Mula noon hanggang ngayon, napakahabang panahon na, ngunit tila hapless ang Pambansang Kapulisan sa problemang ito.

Kaya nga siguro nabuwisit si PNoy kaya pinagretiro nang maaga si Gen. Nicanor Bartolome at itinalaga si Gen. Alan Purisima bilang PNP chief.

Pero kahit na si Gen. Purisima, pakiwari natin ay walang magawa para mahinto ang kaliwa’t kanang krimen sa bansa.

Mataas ang expectation ng Pangulo sa kakayahan ni Purisima kaya hinirang ito, pero nananatiling expectation lang (yata) ang mapapala ni PNoy.

Hanggang ngayon kasi, krimen dito, krimen doon ang nangyayari sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Walandiyo!

SAMPAL SA KRITIKO NG BOC

Sampal sa dalawang pro-farmers (kuno) na partylist ang latest na accomplishment ni Comm. Ruffy Biazon at mga bataan nito sa BOC.

Nasabat ng mga alertong BOC agent  sa Port of Cebu ang P10 million na halaga ng smuggled rice na tinangkang ipasok sa bansa.

Nakasakay sa dalawang 20-container van, ang nasabing illegally imported rice ay naka-consign sa Cebu-based ARFG Trading and Cargo Facilities Services at JBD Trading, kapwa sa Mandaue City.

Idineklarang STC wall insulator slabs ngunit nang busisiin ng mga imbestigador ng BOC ay napag-alaman itong mga bigas.

Dahil sa kalokohan ng dalawang kompanya na ito, may kalalagyan kayo kay Biazon, siguradong kaso ang kahaharapin n’yo.

Ngayon…ano ang masasabi ng dalawang partylist group na walang ginawa kundi banatan si Biazon para pumogi sa mga magsasaka?

Ang maraming huli na smuggled rice at smuggled farming products ay patunay na nagtatrabaho ang kasalukuyang liderato ng BOC.

Gumanda lang sa paningin ng farming sector, sinisira ng dalawang partylist group na ito si Biazon at ang BOC. Nagkamali kayo!

Dapat maging mapanuri ang mga magsasaka, sipatin nila kung dapat bang tulungan ang dalawang partylist group na ito.

Kasi nga, election na naman – kailangan nila ang suporta ng farming sector para maging miyembro muli ng Kongreso. Style n’yo bulok!


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Mga Patama Quotes and Banat Tagalog Love Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Sunny Hill - Once In Summer 2014


Lagarto para colorear


Love Quotes Tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>