HINDI ko maintindihan kung bakit tila inutil ang kapulisan laban sa laganap na kriminalidad sa buong Metro Manila.
Ano? Base sa crime statistics bumuti pa ang kalagayan natin? Wehhh … ‘di nga? Huwag po kayong maniniwala sa statistics ng PNP dahil napakarami pong nagaganap na krimen na hindi kasama sa bilang nito.
Marami ring biktima ang hindi na inire-report o pinaba-blotter ang mga insidente. Marami pa ang insidente na involved ang baril. May Comelec gun ban
pa sa lagay na ‘yan!
Pero walang takot ang mga kriminal na mahuli at mas lalo silang walang takot sa pulis!
Ang malalim na tanong ay … bakit?
Ha? Ano ang binubulong mo riyan? Ano kamo? Marami ang kaso na pulis din ang salarin? Eh, hindi ba dapat sila ang magtanggol at magprotekta sa atin?
Ano? Marami rin na may padrino at kasabwat na pulis ang mga sindikato? Eh kaya naman pala wala tayong kalaban-laban sa krimen. Eh papaano na tayo?
Ewan ko sa inyo … pero, buti na lang sa amin sa Marikina, may programa na para sa malalang problema na iyan ng peace and order.
Imbes na magtuturo at magsisihan kung sino ang nagkulang – minabuti ng Marikina City officials sa pamumuno ni Mayor Del R. de Guzman, Cong. Miro Quimbo, at Vice Mayor Fabian Cadiz na punuan ang kahinaan ng iba sa pamamagitan ng pakikiramay ng iba pang sektor ng lipunan.
Naniniwala sila na sa pinagsanib na lakas ng iba’t ibang sektor ay kayang talunin ang kriminalidad.
Pinangunahan na ito ng mga homeowners association (HOA) tulad ng sa Greenheights, San Isidro at Twinville na sa pagtutulungan ng pulis, konseho, munisipyo at mga HOA ay nabawasan ng malaki ang krimen at napilitang lumipat ng operasyon ang mga kawatan.
Iba-iba ang stratehiya ng bawat sektor.
Sabi ni Quimbo, “Malaking bagay ang kooperasyon at pakikiisa ng bawat residente sa laban na ito dahil hindi na puwede ‘yung pasaway sa komunidad na panay na lamang ang angal pero di naman nagbabayad ng monthly dues. Kailangang sama-sama.”
Dagdag pa ni Miro, “Sinagot na namin ang gastos sa mga barrier at guard house. Pati na sa uniporme at allowance para sa unang tatlong buwan para lang masimulan na ito.”
Ops, teka … mukhang sa Greenheights, San Isidro, atbp. yata ‘yan ah? Paano naman kami sa Twinville?