‘Yan ang isinisigaw ng ating uzi makaraang makita nito ang modus operandi ng mga pulis-Maynila.
Isang PO3 Marquez ng Manila Police Department ang nagmamantine ng pasugalan sa isang condominium unit sa Opalo St. Manila.
Sinalakay ito ng mga tauhan ni Maj. Buyao ng MPD-DPIU.
Sa halip na tuluyan para patunayang trabaho lang at walang personalan, “pinitsa” ng mga gagong pulis ni Buyao ang operasyon.
Tumataginting na P200,000.00 ang kinikil ng mga gagong pulis sa kanilang kabaro.
Tsk! Tsk! Tsk! Dog eat dog na ito!
BAGONG TRAFFIC LIGHT
Napapansin ba ninyo, mga Bro, na kalat na ang bagong sistema sa trapiko sa maraming bahagi ng Maynila?
‘Yun bang === traffic light.
Kung mapapansin ninyo, bibihira na ang mga simpleng red, yellow, green at arrow sa mga traffic light.
De numero na sa bilang na segundo ang mga traffic light.
Tila nawawala na ang mga traffic light na depektibo at parang minamaniobra ng mga traffic police o enforcer para lang sila kumita.
Klaro kung kailan aandar, hihinto at kung saan papasok na lansangan ang mga motorista.
SALAMAT SA MGA PROYEKTO
Dito natin sasaluduhan ang mga nakaisip at nag-implementa ng maayos na traffic light.
Kung magkakabuhol-buhol man ang trapiko, dala na rin ito ng mabigat at maraming sasakyan na tumatakbo sa mga kalsada.
Pero dahil maayos ang traffic light, bibihira lang ang mga hindi sumusunod.
Kitang-kita ang pagiging masunurin ng mga motorista sa batas ng trapiko, kabilang na ang mando ng traffic light.
Kabilang naman sa mga traffic light violator ang mismong mga pulis at traffic enforcer na tumatakbo kahit kailan.
Walang traffic-traffic light sa kanila dahil exempted daw sila sa bawal at violations sa traffic light.
Hehehe.
NAWAWALA ANG MGA BANTAY
Heto pa ang napansin natin, mga Bro.
Dahil sa maayos na traffic light, nabawasan ang mga pulis at traffic enforcer na kumpol-kumpol sa mga lugar na may traffic light.
Ugali nila ang magkumpol-kumpol dahil sa rami ng kanilang hinuhuli noong puro may depekto pa ang sistema.
Pinagkakakitaan nila ang mga depekto ng pamahalaan.
Bukod sa sahod o allo-wance nila buwan-buwan, kumikita sila sa panghuhuli.
Mas malaki pa umano ang kita nila sa panghuhuli lalo na ang mga may quota na minamando ng kanilang mga hepe.
Magtanong pa kayo sa mga pulis at traffic enforcer na pumipiga sa mga motorista upang kumita sila ng malaki sa mga komisyon sa mga traffic violation.
MALAKING KITA
Kung bubuksan lang ninyo, mga Bro, ang mga financial statement ng mga lokal na pamahalaan at maging ng Land Transportation Office, may makikita kayong nakamamangha.
Isa sa mga pinakamalaking pinagkakaperahan ng mga ito ang mga traffic violation kuno ng mga motorista.
Ang dahilan?
Aba parang pulis, piskal, huwes at Supreme Court ang mga animal na ito. Pag hinuli ka, guilty ka na kaagad.
Kailangan mong magbayad at kung hindi, hindi mo matutubos ang lisensya mo.
Kung nakalusot ka man sa araw na hindi ka nakumpiskahan ng lisensya, doon ka sa renewal dadalihin.
SAMA-SAMANG KASALANAN
Punta kayo, mga Bro, sa mga opisina ng LTO.
Marami riyan ang hindi kaagad nakapagre-renew ng kanilang mga lisensya dahil may mga violation pala sila sa MMDA, sa ibang lokal na pamahalaan at sa kung ano-ano pang ahensya na may kinalaman sa trapiko.
Dapat na magbayad ka muna sa mga ahensya, dalhin ang mga resibo ng pinagbayaran at doon ka na lang makapagre-renew ng drivers’s license mo.
ENFORCERS UMAAMIN
Umaamin ang mga opisina para sa traffic enforcement ng mga lokal na pamahalaan na kumikita sila nang husto sa mga traffic violator.
May mga city sa Metro Manila na milyon-milyong piso ang kita nila sa mga motorista.
Bulong sa atin ng ating Uzi, dahil umano ito sa quota ng mga bossing o hepe ng mga opisinang ‘yan. Ang pormula at sangkap ng halo-halo nila para kumita ay sahod + allowance + quota.
Anak ng tokwa, diyan sa quota sila kumikita nang todo dahil kailangan nilang manghuli ng minimum na 10 na motorista araw-araw para magkaroon sila ng mga komisyon na kanilang dinidibayd-dibayd sa oras ng tanggapan ng komisyon.
Ganyan katindi ang korapsyon sa ligal na panghuhuli.
PATRABAHO KINA MEYOR
Itong mga meyor ay bibigyan natin ng assignment, mga Bro.
Silipin nila ang quota system ng kanilang mga hepe sa traffic enforcement.
Silipin din nila ang mga lumalampas sa sistemang ito at dumidiskarte ng extra na kita sa pamamagitan ng suhol sa mga lansangan.
Marami ‘yan, mga Bro.
Ang daming taga-lalawigan na bumabagtas sa mga lansangan nang ‘di nila alam ang mga oras ng truck ban at number coding.
P500-P1,000 ang tanggapan diyan sa mga lansangan.
Kasi ang mga driver ay hindi na babalik sa Kamaynilaan upang tubusin ang kanilang mga lisensya.
Style ninyo, bulok.
Hoy, mga mahal naming mayor, disiplinahin ninyo ang mga anay na ito sa inyong mga city hall nang manumbalik ang tiwala ng mamamayan sa inyo ngayong halalan.
oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring sa iparating sa 09214303333.

