NAGWAWALA ang mga registered nurse dahil sa paghamak sa kanila ni Mrs. Cynthia Villar.
May 400,000 nurse sa ating bansa at lahat sa kanila ay mga botante.
Dahil sa paghamak ni Mrs. Villar sa ating mga nurse, malamang na mawalan siya ng 400,000 votes sa halalang 2013.
Agad nag-sorry si Mrs. Villar, kandidato sa pagka-senador sa ilalim ng partidong tuwid na daan ni Pangulong Aquino III.
Sabi ni Mrs. Villar: “I am sorry if it has created confusion. Thank you.”
Hindi humingi ng sorry si Mrs. Villar sa mga nurse.
Nag-sorry lang siya sa confusion.
Anong klaseng sorry ito na mukhang palusot lang ni Mrs. Villar?
Para bang tulad ng I am sorry ni Gloria Macapagal Arroyo noong June 27, 2005 na kung saan nagkaroon ng malawakang dayaan?
Noong nakaraang presidential election, ang battle cry ni PNoy ay tuwid na daan laban kay Manuel Villar na sumikat sa controversial na C5 extension na tinawag ni PNoy na kalyeng liko-liko.
May mga TV at radio commercial pa rin hinggil sa tuwid na daan sa partidong Team PNoy at kataka-taka ay bakit nakasama si Cynthia Villar sa ticket ni PNoy?
Kay raming issue laban kay Mrs. Villar pero walang aksyon ang pamahalaan, lalo na ang Department of Justice.
Ito ang mga issue tungkol sa land grabbing cases sa bundok at gubat ng Norzagaray, Bulacan.
At tungkol sa pagkakasanla ng mga Villar ng lupaing ito sa Bangko Sentral na hindi na raw binayaran ng mga Villar.
Panahon na upang pag-aralang mabuti ni PNoy ang mga kaso ni Mrs. Villar pero I have my doubts.
Matigas ang ulo ni PNoy at, worse, ang tagal niyang umaksyon sa mga problema ng bayan.
Nasaan na ang tuwid na daan?
