Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DAAN-DAANG MILYONG PISO NAWALA SA LAUDE CASE

$
0
0

PATULOY ang perwisyo sa kabuhayan ng maraming taga-Olongapo, Zambales at Bataan ang pagkamatay ng isang baklang nagpanggap na babae kaya umano napatay ng isang batang Marino ng America, kahit dinidinig na sa korte ang kaso.

Ito Ang Totoo: kahit na-lift na ang ban sa “liberty” o pamamasyal ng mga opisyal at tauhan ng mga barko ng US na dumaraong sa Subic, hanggang loob lamang sila ng Subic Freeport. Ibig-sabihin, hindi makatawid sa tulay na nag-uugnay sa Olongapo kaya ang mga restaurant, bar, palengke at iba pa sa lungsod ay wala pa ring pakinabang.

Tinatayang may daan-daang milyong piso na ang nawalang oportunidad para sa mga negosyo at manggagawa sa loob at labas ng Freeport buhat nang maganap ang malungkot na insidente.

KASO SINASAKYAN

Sakyan ba naman ng mga “anti-US” groups, militante, ilang LGBT at mainstream media, naging major issue ang kung tutuusin ay simpleng kasong kriminal na dapat dinggin upang matukoy at mapanagot ang may kasalanan.

Sa Olongapo, marami ring bakla at tomboy ang kasama sa nagdurusa kaya pati sila ay hindi masaya sa nangyari at patuloy na dumaranas ng masamang epekto nito.

Dahil naman sa limitadong “lifting” ng “liberty ban,” patuloy na hinihiling ng iba’t ibang sektor, lalo na ni Olongapo Mayor Rolen C. Paulino, ang ganap na pagsasantabi sa ‘ban” upang maibsan na ang pagdurusa ng mamamayan,

BAWAL MAGLIWALIW

Ito Ang Totoo: kahit sa kabila ng limitadong “lifting” ng “liberty ban” ay bawal pa rin magliwaliw sa Olongapo ang US Military personnel, pinapayagan naman silang lumabas ng grupo-grupo para sa mga “humanitarian” at “mercy mission.”

Katunayan, sa huling barko ng US na dumating nitong nakaraang linggo, may mga grupo ng Amerikano na naghatid ng mga donasyon at nagsagawa ng pagkumpuni sa ilang charitable institution sa Olongapo.

Meron pang basketball game sa Rizal Triangle o city plaza sa pagitan ng mga Amerikano at local player.

Ito’y mga bagay na dati nang gawi ng mga Amerikanong dumarating sa Olongapo sakay ng mga barko ng US Navy, bagay na kung mga taga-Olongapo ang tatanungin, tanggap nila nang bukas-palad at taos-puso.

Mahaba ang naging ugnayan ng mga taga-Olongapo at US Navy na may base militar sa Subic hanggang 1992.

Maraming taga-Olongapo at iba pang panig ng bansa ang may kamag-anak na nakapag-miyembro ng US Navy kaya marami ring kapamilya na nasa Estados-Unidos na.

Maraming propesyonal, negosyante at iba pang kilalang personahe sa Olongapo ngayon ang nakatapos ng pag-aaral at nakarating sa kinalalagyan ngayon dahil ang kanilang mga magulang ay nagtrabaho sa base noon ng US Navy.

HINDI SALOT

Kaya kung tatanungin ang mga taga-Olongapo, hindi salot ang presensya ng mga Amerikano kundi biyaya.

Ang mga “social problem” na iniuugnay sa kanila ay problema kahit saan, lalo na sa Metro-Manila. Ito Ang Totoo! ITO ANG TOTOO/VIC VIZCOCHO, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>