PALALAKASIN pa ang iba’t ibang mga kurso sa Unibersidad de Manila (UDM) ng Presidente nitong si Dr. Benjamin Tayabas upang mas mapataas pa raw ang kalidad at mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga estudyante rito.
Ayon kay Dr. Tayabas, mabibigyan na sila ng dagdag na pondo ni Manila Mayor Joseph Estrada para lalong pagbutihin pa ang sistema at ang mga kalidad ng pagtuturo.
Ipinahayag pa ni Dr. Tayabas hindi raw biro ang hamon sa kanilang pamamalakad ng UDM lalo pa’t taon-taon ay maraming estudyante ang nais na mag-aral subalit, dahil sa kahirapan, ang mga unibersidad gaya ng UDM ang siyang susi sa kahirapan ng mga estudyante.
Kaya halos lahat ay ginawan ng paraan ng UDM para ma-accommodate ang mga estudyante na hindi nakapasa sa entrance exam.
Ani ni Tayabas, nagbibigay sila ng mga reconsideration sa mga estudyante para makapag-aral at matupad ang kanilang mga pangarap.
Ganunpaman, ikinalungkot din ni Tayabas ang resulta sa 17,543 na kumuha ng exam – 1,583 lamang ang pumasa.
Pangarap ni Dr.Tayabas na itaas ang kalidad ng edukasyon sa elementary at high school para madaling makapasok sa kolehiyo.
“Gabay ng magulang ang kailangan para maging masigasig ang mga estudyante,” dagdag pa ni Dr.Tayabas.
Aba, simula yata ng pamunuan ni Tayabas ang UDM ay nagkaroon ng law, criminology at nursing at nag-top 3 pa sa board exam ang nagtapos sa kursong nursing.
MGA VK SA CALAMBA BALIK NA NAMAN
Sa Calamba, Laguna ay nagsimula nang ilatag ang mga video-karera (vk) sa bawat sitio o barangay.
Pero ang masakit rito ay nakatunganga lang ang hepe na si Supt. Ortega.
Magkano ang timbre mo, ah, kernel, he..he..he…
Sumbong kita! tsk..tsk..
***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

