Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KATIWALIAN SA MGA AHENSIYA NG DOJ

$
0
0

MUKHANG namamayagpag ang mga tiwaling taong gobyerno sa mga ahensiya na nasa ilalim ng Department of Justice (DoJ).

Noong Linggo ay mismong si DoJ Sec. Leila de Lima ang nagsagawa ng inspeksyon sa regular detention facility ng National Bureau of Investigation (NBI) batay sa isang tip.

Nakakita sila ng cellphones kabilang ang iPhones, Wi-Fi gadgets at phone chargers sa ilalim ng washing machine, tulad ng sinabi kay De Lima ng impormante.

Nagpatawag si De Lima ng imbestigasyon at sinibak ang mga taga-NBI na nagguguwardiya sa pasilidad, kung saan nakadetine ang mga personalidad na nasangkot sa pyramid scams tulad nina dating Pagadian City Mayor Samuel Co at Coco Rasuman.

Isang linggo nauna rito nang maulat ang cellphones at Wi-Fi gadgets na nakita sa NBI detention facility ng ilang “high-profile convicts,” na karamihan ay sangkot sa droga at binansagang “Bilibid 19,” na inilipat sa NBI mula New Bilibid Prison (NBP) noong Disyembre.

Tatlong NBI agent ang sinibak ni De Lima dahil sa pagbibigay ng cellphones sa nakakulong. Isang impormante ang nagsabi sa kanya na bawat cellphone na ipinuslit sa pasilidad ng Bilibid 19 ay binayaran ng P1.5-milyon.

Ang paglilipat sa kanila ay bunsod ng serye ng raid sa NBP maximum security compound kung saan nakita ang mga ipinagbabawal na droga, bukod pa sa pera at mamahaling mga kagamitan.

Ang Bureau of Immigration (BI) na nasa ilalim din ng DoJ, ay may sariling kontrobersiya kaugnay ng mga blacklisted na dayuhang pinapayagan umanong makapasok sa bansa “kapalit ng bayad” o inuutos palayain.

Ang lahat ng sinasabing iregularidad na ito’y hindi magaganap kung ginagampanan nang maayos ng mga opisyal ang kanilang tungkulin.

Pero kapag mga ahente mismo ang nasa likod ng anomalya at pinagkakakitaan ito tulad ng sinabi ng isang impormante, sa pakikipagsabwatan marahil ng matataas na opisyal, mas malaki ang problema na kailangang linisin ni De Lima sa ilalim ng kanyang bubong.

*              *              *
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View. FIRING LINE/ROBERT ROQUE, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>