Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

K+12 SASABIT, OUT-OF-SCHOOL YOUTH LOLOBO

$
0
0

MUKHANG sasabit ang K+12, mga Bro.

Mahihirapan, hindi lang ang maraming guro kundi ang mga senior high school at magulang ng mga ito.

HILAW NA HILAW

Sa pakikipag-usap natin sa ilang public school teacher na sasabak sa senior high school, inaamin nilang hilaw na hilaw ang kanilang mga kaalaman at training sa mga subject dito.

Akalain ba nila umanong nasa 10 araw lang ang mga seminar training ng Department of Education sa kanila ukol sa mga vicational at technical na aralin sa senior high.

Sabi nila, ituturo umano nila ng isang taon ang kanilang natutunan sa semiar training na natutunan nila mula sa mga tauhan ng Technical Education and Skills Development Authority.

Umaasa sila sa tuloy-tuloy na ayuda mula sa TESDA pero madidiskaril umano ito dahil hindi naman umano sapat ang mga tauhan ng TESDA na araw-araw na gagabay sa kanila.

Kaya maaaring magiging palpak umano ang K+12 sa kalaunan.

Pangunahin dahil sa pagiging hilaw ng mga teacher na magtuturo sa senior high.

WELDER AT ELECTRICIAN

Kabilang umano sa mga ituturo ang electrical at welding.

Ano nga umano ang matutunan ng mga guro sa 10-araw na seminar training sa mga subject na ito na kumplikado?

Sabi ng mga titser, baka sunog at kamatayan lang ang kahantungan ng mga titser at estudyante nila rito.

Hirap umanong imadyinin ng mga titser, lalo na sa parte ng mga kababaihan, ang pagiging electrician at welder.

Mabuti umano sa mga school na matagal nang itinuturo ang mga ito.

Pero sa maraming baguhan at kahit nakapasa sa teacher’s board exam, hindi madali ang mga subject na ito.

SAMPOL

Pupwede umanong bahagi ng senior high school subject ang pagiging auto electrician at basic at advance welding.

Pero sa auto electrical lang, nasisira na ang ulo ng mga professional sa mga may computer box na sasakyan, ‘di lalong masisira ang ulo ng mga titser na sineminar at tinraining lang ng 10-araw?

Diyan sa welding, hindi madali ang gawa rito dahil kaligtasan sa disgrasya at de-kalidad na pagtuturo ang kailangan dito.

Sa pamimili lang umano ng welding rod para sa iba’t ibang uri ng bakal at yero at pagtimpla ng mga welding machine ay hirap na, ‘di lalo umanong kumplikado ang advance welding na kasama na ang pag-welding maging sa ilalim ng dagat o kaya’y nakabitin ang welder sa isang crane.

COMPUTER TECHNICIAN

Kasama rin umano sa mga subject ang computer technician.

Anak ng tokwa, paano umano magtuturo ang isang guro ng subject na ito kung 10-araw lang ang seminar training?

Eh, hindi ito ang napag-aralan ng maraming board passer sa guro.

Sa pagiging kumplikado ng pag-aaral at pagtuturo rito, baka puro delete umano ang mangyari sa halip na makabuo ng kompyuter at makapag-send ng message ang isang guro at ang kanyang estudyante.

AUTO MECHANIC

‘Yang auto mechanic ang isa ring kurso sa senior high.

Ano raw ang matutunan ng isang bagong titser at board passer sa paggawa ng makina ng sasakyan o generator kaya?

Anak ng tokwa, tiyak na makayanan ng mga ito ang magkalas ng mga makina pero pagbalik at pagbuo ng mga makina, tiyak ding ang pagkasira, pagkasunog at pagkatok ng mga ito.

Eh, pumapalpak nga ang mga propesyunal at matagal na sa trabahong ito, ‘di lalong magkandaletse-letse ang subject na ito sa isang baguhan o walang kaalam-alam at kasanayan na titser o matanda nang titser.

MAHAL ANG SENIOR HIGH

Ang bilin umano sa mga teacher, dahil walang gamit at pasilidad ang maraming school sa mga subject na bokasyonal at technical, ang mga estudyante umano ang paggagastusin.

Lahat bibilhin ng mga estudyante. Eh, magkano ang welding machine, ang kompyuter, ang mga tester, ang isang set ng acetylene at oxygen, ang makina na aayusin o i-overhaul ng mga estudyante, ang mga mahal na makinang panahi para sa dress-making at iba pa?

Sa ibang salita, kahit na sabihin nating maliit lang ang mga bayarin sa mga public high school, maririndi naman sila sa mga gastos sa mga project.

OUT-OF-SCHOOL YOUTH

Nababanaag ng mga guro na marami ang hindi makatatapos ng senior high school at magiging bahagi ng milyon-milyong out-of-school youth dahil sa laki ng gastusin dito.

May mga school na may K+12 naman na napakalalayo sa mga estudyante.

Maaaring may high school sa isang munisipyo pero hindi handa para sa senior high.

Kaya kung mag-aral ang isang bata para sa K+12, doon sa mga malalayong lugar.

Mahal na pamasahe o pag-rent ng kwarto ang ang remedyo para sila makakuha ng senior high.

Eh, paano kung idagdag ang mahal na mga proyekto sa hirap ng buhay ngayon?

OSY nga ang bagsak mo. Hu-hu-hu!

o0o
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>