ILANG beses na rin na naging tema ng aking mga nakaraang panulat sa aking kolum (Chokepoint) si Vice Mayor Patrick Josep ‘PJ’ Javier.
Kung bakit ko siya naisulat, ito’y dahil sa aking pananaw, good material ang mga ulat na aking natatanggap tungkol sa opisyal na ito ng Navotas.
Hindi lang minsan, kundi maraming pagkakataon na naikuwento ng aking mga kakilala at kaibigang Navoteño ang bise alkalde.
Sa kanilang pagsasalarawan kay PJ, para kang nanunood ng pelikula na ang bida ay si Fernando Poe Jr. na dinudumog ng tao.
Naging palaisipan tuloy sa akin ang pagkatao ni PJ kaya gumawa ako ng paraan para siya’y makaharap at makausap ng personal.
Noong nakaraang linggo, sa kanyang bahay sa Navotas, finally naka-face to face ko ito sa pamamagitan ng mutual friend.
Sa isang iglap nang makita ko ng personal ang Vice Mayor, kaagad kong naintindihan kung bakit bida ito sa paningin ng mga Navoteño.
Sa maigsi naming pagharap, napansin ko ang pagiging simple ni PJ, isang katangian na dapat angkin ng isang nanunungkulan sa bayan.
Tumatak din sa akin ang kanyang pagiging mababang-loob, walang yabang, subalit kargado ng talino na dapat din sa isang nagsisilbi sa bayan.
Over all, ang kongklusyon ko, genuine ang hangarin ni PJ sa panglilingkod, kaya pasok sa panlasa ko ang slogan niyang ‘Serbisyong may Puso’.
Sa aking pagmamaneho pagkatapos ng aming paghihiwalay, nanumbalik ang mga kuwento ng mga Navoteño na naging basehan ng aking panulat.
Sa katahimikan ng aking isipan, nakangiti kong sambit – kaya nga pala ganon na lamang ang papuri kay Vice Mayor PJ Javier.
Sa murang edad, nasabak si PJ sa serbisyo-publiko bilang halal na Bise alkalde ng Navotas City ng tatlong sunod-sunod na termino.
Ang lolo at ama ay naging alkalde ng Navotas, kaya, kumbaga nananalaytay sa dugo ni PJ ang maglingkod sa mga kababayan.
Sa aking paningin yes na yes si PJ.
