Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PANGHAHARAS NI KAP. CHUA SA SHOWBIZ WRITER LABANAN

$
0
0

NAPAKASAKLAP ng naranasan na ‘harassment’ ng isa sa mga kasamahan natin sa media sa kamay ng mapagsamantalang barangay chairwoman ng Bgy. 220 Zone 20 na si Esmeralda ‘Diamond’ Dy Chua sa Ipil St., Tondo, Manila matapos na maayos na makipag-usap ang showbiz writer na si Erick Borromeo sa kanya sa shooting ng Indie Film sa barangay ng huli.

Ang masakit nito, matapos na mabayaran ni Erick ang lahat ng tao at mga lugar na ginamit sa shooting at noong papunta na si Erick sa kotse nito’y nilapitan siya ng may-ari ng isang karinderya na kinilalang si Aling Caridad na nagsabi na hindi pa raw siya nababayaran.

Kaya ang naging tugon lang ng una ay akala niya ay nabayaran na siya ng kausap nito.

Magkagayunman, para nga namang walang gulo ay sinabihan ni Borromeo si Aling Caridad na bukas na lang sa pagbabalik niya ito babayaran.

Aba’y biglang sumagot daw si aling Caridad na “Malabo na ‘yan” sabay lakad  palayo na hindi sukat akalain ni Erick na nagsumbong pala sa malditang  kapitana.

Laking gulat ni Erick sa nakita niyang kagaspangan ng reaksyon ni kapitana nang magsisigaw ito ng “Harangin ninyo ‘yang kotse na ‘yan! ‘Pag hindi ‘yan huminto ay sisirain at babasagin ko ang salamin ng kotse n’ya.”

Hindi niya sukat akalin na ganoon ang naging reaksyon ni kapitana sa kanya na pakiramdam niya tuloy ay para siyang isang kriminal na ipinahuhuli.

Kaya huminto at bumaba si Erick ng kotse at pagbaba niya’y binitbit siya ni kapitan sa Day Care Center sa may Barangay Hall.

Habang nasa sa loob ng barangay hall ay panay pa raw ang sigaw ng lintik na barangay kapitana na ito.

(Ang feeling yata ng kapitana na ito siya na ‘yung pinakamagaling na kapitan…kung hindi ko pa alam).

***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>