Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

NAKUPO, DIYOS KO! SI PASAY BPLO CHIEF FOR VICE MAYOR?

$
0
0

PALAPIT nang palapit ang 2016 national elections kaya marami nang aspirante (aspirante nga ba?) o desperado ang nakikita na nating nagpaparamdam.

Kanya-kanyang pamamaraan o style ng kanilang pagpapapogi para lang mapansin ng mga botante na sila’y tatakbo.

Gaya na lamang nitong si Pasay City Business Permits and Licensing chief Noel o Boyet del Rosario na tatakbo raw na bise-alkalde ng Pasay. Nakupo, Diyos kong mahabagin…

Nagkandautot-utot ako sa katatawa nang mabalitaan kong nagbabalak daw kumandidatong bise-alkalde ang mamang ito sa Pasay.

Ibang klase kasi itong si Boyet, malakas ang loob. Kunsabagay, ika nga, kanya-kanyang trip lang ‘yan, ‘di ba?

Kung matatandaan ninyo, bago pa mang maging BPLO chief si Mang Boyet o Noel ay dating maglulupa lang ito na pinulot ni Mayor Calixto para maging hepe ng BPLO.

Aba, ang pagkandidato sa pagka-bise alkalde sa isang lungsod ay hindi lang isang milyong piso ang gagastusin ng isang kandidato rito kundi isang daang milyong piso.

Ang tanong: saan kaya nanakawin, este, kukunin ni Del Rosario ang perang ipanggagastos niya sa kanyang pag-kandidato sa 2016 National Elections?

Huwag n’yo namang sabihin na kukunin ni Mang Boyet ang panggastos niya sa mga kinita niyang ‘kickback’, este, sa mga pinagpaguran niya sa BPL Office.

Alam naman ninyo na daan-daang milyong piso ang ‘transaksyones’ na may kinalaman sa business permits at licensing sa Pasay.

Aba,hindi naman papayag si Mang Boyet na basta na lang na (ma-t.y.) nang ganun-ganon na lang ang transaksyones nito. Ang lagay e… He.. he..he..he.

Basta, kilala ko ang mamang ‘yan. Hindi ko sinasabing lasenggo siya!

***
Anomang reklamo puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email  sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Long distances monthsary message tagalog


Best Inspirational Love Quotes Collection



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>