MARAMI sa ating mga kababayan ang natuwa nang magwakas na ang termino ni Gloria Macapagal-Arroyo noong 2010.
Ang sabi nila, si Gloria na raw ang pinakakorap na naging Pangulo ng bansa pagkatapos ni Pangulong Marcos.
Kabi-kabila kasi ang katiwalian sa panahon ni Aling Gloria.
Inihalal si Noynoy Aquino bilang kanyang kapalit ‘pagkat umasa ang sambayanan na magkakaroon ng mga pagbabago.
Ayos na sana sa simula makaraang makapagpakulong ng mga senador na sangkot sa pork barrel scam.
Aakalain ba nating ang Pangulong inasahan natin sa malaking pagbabago ay isa palang “nganga” at “tunganga”?
Hindi nga direktang sangkot sa mga katiwalian, kunsintidor naman sa mga palpak at tiwaling tauhan na mga kakampi at kabarilan.
Kitang-kita na ngang sabit din sa PDAF at DAP scam, ang kengkoy ay pakamot-kamot lamang ng ulo at bayag.
Bukod sa “Boy Nganga”, “Boy Tunganga”, “Boy Sisi” rin ang alanghiya.
Sa nakaraang anim niyang SONA, walang nakita kundi si Gloria na nakahawla na.
Si Gloria ang laging nasisisi at si Gloria na lang ang laging may kasalanan sa kanyang kahinaan at kapalpakan.
Hindi maka-move on ang tanging hijo de puto na ito ni Tita Cory na sumalangit-nawa.
Ganyan daw kapag ang lider ay palpak at walang nagagawa sa kabutihan ng kapwa.
Laging nangangatwiran, galit-galitan at naghahanap ng mababatuhan ng mga kasalanan.
Hay naku…banoynoy! KANTO’T SULOK/NATS TABOY
