Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BUWAN NG WIKANG FILIPINO

$
0
0

DATI-RATI ay sine-celebrate natin ang Wikang Tagalog bilang wikang pambansa. Pero dehins na ngayon. Wala na ang wika ni Manuel Quezon ng Tayabas o ni Andres Bonifacio ng Tondo o dili kaya ay si Francisco Balagtas ng Bulacan.

Ayon sa ating Constitution, ang wikang pambansa ngayon ay pinalitan na ng Pilipino na gustong palitan ng kaibigan kong Virgilio Almario, pambansang artist sa larangan ng literatura, ng Filipino dahil tayo raw ay dating sinakop ni haring Felipe ng Espanya.

Ano ba talaga ang wikang Filipino? Ito raw ay pinaghalong mga wikang hango sa Tagalog, Bisaya, Kapampangan, Ilokano, Ingles, Kastila, Intsik, Malay at iba pang mga salita.

Noong panahon ko nag-umpisa ang wikang bastardized Tagalog na sumikat sa Metro Manila, mga salitang pinagbaligtad katulad ng haybol na ang ibig sabihin ay bahay, at erap sa pare.

Nauso rin ang mga salitang parak para sa pulis, o Hapon sa mga Metrocom ini. Ang sapatos ay tinawag na toga at ang relo ay tinawag namang yoyo.

Kinalaunan ay nauso ang mga salitang bakla. Ang nanay ay ginawang mader o ermat, at erpat naman sa tatay.

Later on, tinawag ang wikang ito na Taglish o pinaghalong Tagalog at English.

Ngayon, hirap nang magsalita ng tunay na Tagalog ang mga Manilenyo dahil English na ang nanaig at many thanks sa mga yaya ng mga anak na laki sa layaw.

Naging jeprox na ang bagong kabataan.

Matapos ang diktadurya ng Ferdinand Marcos ay nag-umpisa naman ang lenguwaheng ala-Kris Aquino.

Kundi niyo ma-gets ang message ko sa inyo, ito ay dahil sa bawat generation ay may bagong wika na ngayon ay tinatawag na Filipino o Pilipino.

Pero alam ba ninyo na hindi recognized ang Filipino language sa America, lalo na tuwing may eleksyon at sa mga balotang nakaimprenta para sa mga Pinoy? Ang wikang ginagamit ay Tagalog at hindi Filipino.

Pero sa kasalukuyan, dehins na Tagalog ang wikang pambansa, bagkus Pilipino na non-existent sa ating mga diksyonaryo. DEEP FRIED/RAUL VALINO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>