SA Bgy. Anilao, Labac, Lipa City, may isang bookies ng STL na pinatatakbo ng isang Ronald na taga-Antipolo na pinoproteskyunan daw ng kapulisan ng Lipa City.
Bukod sa bookies ng STL ay talamak din daw ang bentahan ng droga sa nasabing bayan ng lalawigan ng Batangas.
Wala raw ginagawa ang hepe ng Lipa City kundi ang tumunganga sa kanyang bahay-tanggapan, este, opisina.
Halos ilang dekada na rin daw na ino-operate ni Ronald ang bookies ng STL nito sa Bgy. Anilao, Labac, Lipa City.
Hindi ko lang alam kung alam ni Lipa City Mayor Menard Sabili at ng kanyang chief of police na si Supt. Carlos Balde na talamak ang operasyon ng bookies ng STL ni Ronald sa Lipa City?
Hindi naman siguro papayagan ni mayor na manatili ang bookies ni Ronald kung walang tongpats ito.
Hehehehehe!
BOOKIES SA LAGUNA MAY GO SIGNAL
Namamayagpag sa Biñan, San Pedro at Sta Rosa, Laguna ang bookies ng STL ni Dante Alvarez.
Hindi hinuhuli ng kapulisan ng Laguna dahil sa ang balita ko ay naka-tongpats ang provincial director ng nasabing lalawigan.
Maging sina Biñan Mayor Lenlen Alonte, San Pedro Mayor Lourdes Cataquiz at Sta. Rosa Mayor Arlene Arcilla ay walang ginagawa kundi ang tumunganga.
LOTTENG SI KONSEHAL ANG NINONG
Sa Las Piñas naman ay walang tigil daw itong si One na nagsasabing inaanak daw siya ni Las Piñas Kon. Sonny Aguilar sa pag-o-operate ng lotteng.
Ipinagmamalaki ni One na matibay ang kanyang backer na si Kon. Sonny kaya walang sinoman ang babangga sa kanya sa kailigalan nito.
Pader daw ang lotteng nito sa Las Piñas.
***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
