Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MAY PORK BARREL NA, MAY PANINGIT PA

$
0
0

KAILAN matatapos ang pandaraya ng mga nasa pamahalaan sa mga mamamayan?

Mahalagang katanungan ito, mga Bro, makaraang lumitaw ang maniobra ng mga taga-Malakanyang at taga-Kongreso na magkaroon ang mga ito lagi ng pagkakakitaang personal mula sa pambansang badyet sa taong 2016..

Nagmumula sa mga mamamayan ang kalakhan ng mga buwis na pinagkakakitaan ng mga matataas na opisyal ng bayan kumpara sa pinagsama-samang buwis ng mga opisyal, kasama na ang buwis ng mga malalaking kumpanya na sinasabing may hawak ng pinakamalaking bahagdan ng ekonomiya ng buong Pilipinas.

Kaya naman, tama lang ang katanungan.

TAMA ANG KATANUNGAN

Tama lang talaga na itaas ang nasabing katanungan ukol sa pandaraya ng mga nasa pamahalaan sa mga mamamayan.

Imadyinin ninyo ito, mga Bro.

Sinasabi ng National Statistics Authority na maaaring maging mahigit na sa 100-milyon ang mga Filipino sa taong ito.

Kakaunti lang ang bumubuo ng mga opisyal ng bayan mula sa barangay hanggang sa mga lokal na pamahalaan, Kongreso, Supreme Court at Palasyo.

Higit na mas kakaunti ang bilang ng mga bilyonaryo na may control sa ekonomiya ng bansa.

Sa usapin ng buwis sa sahod at kita na nakabatay sa personal income tax, kahit kalkalin niyo pa ang record ng Bureau of Internal Revenue, higit na mas malaki ang pumapasok sa kaban ng bayan mula sa mga mamamayan kaysa sa mga opisyal ng pamahalaan at malalaking negosyante.

Sa ibang salita, mas malaki ang buwis sa sahod at iba pang pinagkakitaan ng gobyerno gaya ng mga lisensiya, multa, clearance at prangkisa mula sa nasa 50-milyong obrero at iba pang maliliit na mamamayan sa mahal kong Pinas kaysa sa sarili nitong mga tauhan at iilang malalaking negosyante.

P424B PORK

Hindi bumibitiw si ex-Senator Ping Lacson sa paniniwala nitong may nakatagong P424B pork barrel sa 2016 pambansang badyet.

Ang pork barrel ay mga malalaking halaga sa badyet na minamaniobra upang magkaroon ng personal na kita ang mga opisyal ng bayan.

Pagpapayaman sa puwesto ng mga nakaupo sa pamahalaan ‘yan.

Sabi ni Lacson, dumarami umano ang mga lumilitaw na ebidensya habang lumalakad ang mga araw.

Sariling diskarte na ni Lacson ang pagkuha ng mga ebidensya.

Unang pinausok ni Sen. Serge Osmena ang pagkakaroon ng pork barrel at sinabi nitong nakatitiyak siya na mayroon ngang pork barrel kahit pa sinabi na ng Supreme Court na bawal ang pork barrel sa anomang anyo nito gaya ng Priority Development Assistance Fund o Disbursement Acceleration Program o iba pang ngalan mula sa Malakanyang o mula sa senador o kongresman.

LABAN-LABAN

Maganda rin ang sinasabi ni Osmeña na dapat ituloy na ni Lacson ang laban sa pork barrel.

Gustong-gusto rin ni Lacson na ipagpatuloy ang laban at sa katunayan, naghahanda na ito para sa pagpa-file ng kaso sa tamaang panahon laban sa pork barrel.

May problema nga lang dahil inamin mismo ni Lacson na maaaring kakandidato siya sa 2016 at para hindi magkaroon ng kulay ang pagsasampa niya ng kaso, ipauubaya na lang niya ang aksyon sa sinomang kumikilos laban sa pork barrel.

Ibibigay na lang niya umano ang mga ebidensya sa sinomang magsasampa ng kaso.

Okey na rin ‘yan at sana’y solido ang mga ebidensya.

P4B PANINGIT

Heto ngayon ang sinasabi naman ng Makabayan bloc na nakadiskubre silang P4B kuwestiyunableng isinisingit ng Department of Budget ang Management habang hinihimay na kaukulang komite ng Kamara ang 2016 budget.

Ayon kay Kabataan Party-list Rep. Terry Ridon, inaalam na nila kung saan gagamitin ang P4B congressional insertion na nasa record ng DBM.

Mahalagang katanungan naman talaga kung para sa kapakinabangan ba talaga ng taumbayan ang P4B na ito o para sa bulsa ng mga matataas na opisyal ng gobyerno o para sa pamumulitika lang ng mga grupo ni Pangulong Noynoy ito.

BUSISIIN PA MORE

Dapat na go lang nang go ang pagbusisi sa pambansang badyet.

Tatandaan naririyan at kumakatok na sa ating mga pintuan ang halalang 2016.

Ugali at talaga namang binibitiwan na ng pambansang pamahalaan ang halos lahat ng badyet sa buong taon sa mga kinauukulan sa unang tatlong buwan.

At maaaring dito talaga magpapalaki ng bulsa ang mga magkakaroon ng pabor mula sa Malakanyang na kokontrol sa pamimigay ng badyet.

Tama lang, mga Bro, dahil buwan ng Mayo 2016 ang halalan at pangampanya ang bibitiwang salaping-bayan ng Malakanyang sa mga kaalyado nito sa anyo ng mga proyekto o iba pang mga wais na paraan.

o0o
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Lagarto para colorear


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>