EVERY person or a leader has its own unique personality and approaches. Be they are under an organization with collective programs and initiatives, still, we can tell how they perform uniquely.
Sa Quezon City Police District (QCPD) ay personal natin na nasubaybayan ang halos lahat na district director. May kanya-kanya silang estilo sa liderato na nagbigay ng karangalan sa lider at mga tauhan nito.
Hindi nawawala ang magandang asal ng mga operatiba ng QCPD.
Mapagkumbaba at kahusayan sa pagganap sa tungkulin. Kaya naman love sila ng media at binansagan na “TSAMBA TEAM!”
Noong matalaga si PNP Chief Ricardo Marquez, ang unang utos niya ay ilabas ang mga pulis sa bawat kalye. Kasunod ang pagpapanatili ng magandang pisikal na anyo, hindi mga bundat.
Nang italaga ni Chief Marquez si PCSupt JOEL D. PAGDILAO bilang hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO), inulit niya ang kanyang panawagan.
Iyon ngayon ang pamantayan ni Director Pagdilao. Ilabas ang mga pulis sa opisina at tiyakin na nakabantay sila sa bawat komunidad at mamamayan.
Dito nagpapakita ng galing si QCPD OIC EDGARDO G. TINIO.
Sa usapan, una sa kanyang programa ay itaas ang antas ng kasanayan ng kanyang mga pulis. Isa rito ang “shooting o firing proficiency ng lahat na pulis QCPD.
Mayroon siyang “wish list” na anomang araw ay isusumite na niya sa PNP NHQ at kay Quezon City Mayor Herbert Bautista aka BISTEK.
Maliban sa mga bago na patrol car, baril at bala, nasa listahan din ni General Tinio ang mga makabagong gadget para pagtunton sa mga tulisan ng lungsod.
Gagamit na ang QCPD police force ng celfon na mayroong GPS. Maski ang mga patrol car ay kakabitan din ng camera at GPS! Gusto rin niyang kasama ang mga barangay pipol at negosyante.
Aba, General, are you really going hi-tech?
Kung mangyayari iyan sa ilalim ng iyong liderato sa QCPD, walang duda na masusugpo mo nga ang kriminalidad sa KYUSI.
Sana nga ay magawa mo lahat ang iyong plano General Tinio Sir. Sana ay mabago mo rin ang ugali ng ilang pulis Kyusi na maliban sa batugan ay “nawawala” sa kanilang pwesto o oras ng trabaho. Marami sila.
Your wish list is not a joke, General Tinio. Sana ay matupad lahat ito.
Tiyak na mamahalin ka ng mga taga-KYUSI at mababalik ang respeto ng mamamayan sa mga pulis ng bayan.
Tiyak, hindi ka pababayaan nina PNP Chief Rica Marquez, ni NCRPO Director Joel Pagdilao at lalo na ni “super mayor” BISTEK!
Sabi nga, “your wish is my command.” BALETODO/ED VERZOLA