Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ANG PAGBASTED NI GRACE KAY PANGULONG NOYNOY

$
0
0

SINASABING suko na si Pangulong Aquino na masungkit ang matamis na “oo” ni Sen. Grace Poe para maging ka-tandem ni Sec. Mar sa 2016 elections.

Ibig bang sabihin nito ay tuluyan nang binasted ni Grace si Noynoy?

Hindi na nakapagtataka na bastedin ni Grace si PNoy.

E, halata naman talaga na hindi marunong manuyo si PNoy.

Makikita sa “panliligaw” ni PNoy kay Grace kung gaano siya kahina magpaamo ng isang babae.

Kita n’yo nga’t hanggang ngayon ay binata siya kahit naturingang playboy. Playboy, daw oh?!

Dahil dito, tuliro raw ang Liberal Party (LP) dahil mukhang malabo nang makatambal ni Sec. Mar Roxas si Sen. Grace.

Kahit daw si Mar ang pambato ng LP at nasa kanila na lahat ang makinarya, hindi ibig sabihin nito na tiyak nang si Roxas ang magiging susunod na Pangulo.

Kung tutuusin, tinalo pa nga ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa isang presidential survey.

Kailangan munang mapaatras ni PNoy o ng LP si Grace sa pagtakbong Presidente at makumbinseng mag-Bise Presidente para magkaroon ng himala sa panig ni Mar.

Ayon sa mga info, napikon yata si Grace nang maglabas si PNoy sa isa nilang meeting ng senadora ng mga “confidential document” para mapaatras siya sa pagtakbong Presidente at pumayag na lang mag-VP kay Roxas.

May nagsasabing tungkol daw ang dokumento sa citizenship case ni Poe pero nilinaw ng Malakanyang na tungkol daw sa malalaking problema na kahaharapin ng sinomang susunod na Pangulo.

Talagang sablay itong si PNoy sa ginawang panliligaw kay Grace dahil bakit daw kinakailangan pang takutin ang senadora para lang huwag tumuloy sa pagtakbong Pangulo.

Tama ang naging desisyon ng Malakanyang na ipaubaya na lang kay Mar ang panunuyo kay Sen. Poe dahil sila naman ang magtatambal.

Mabuting alisin na sa piktyur si PNoy ‘pagkat baka ito pa ang ikatalo ng mga pambato ng LP.

Teka, hindi kaya ayaw lang talaga ni Grace ng endorso ni PNoy? Kung sa bagay, tama rin si Grace na umiwas sa endorso ni Noynoy dahil baka ito pa ang ikapahamak ng kandidatura niya.

Baka nga rin hinihintay lang ni Grace na si Mar na ang direktang manligaw sa kanya.

Lumalabas lang din sa senaryong ito na si PNoy ay isa nang “lame duck”.

Ano sa palagay n’yo? KANTO’T SULOK/NATS TABOY


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>