KAYO ba ay nakakita na o nakarinig ng isang kura paroko (pari) na bukod sa ginagawa niyang pangangaral ng mga salita ng “Diyos” sa harap ng mga Katolikong mananampalataya habang nasa gitna siya ng pulpito ay kabaligtaran naman ang ginagawa niya dahil pagkatapos niyang mangaral, ang pagsasabong naman ang inaatupag nito sa mga sabungan sa Malinao at Tabaco City, Albay?
Ibang klaseng pari si Father Manny B. na kura paroko pa naman ng St. Nicolas Parish Church ng Tabaco City.
Hindi ko nga lang alam kung totoo ang impormasyon na si Father Manny ay sabungero sa Stancia, Malinao at Tabaco, Albay.
Gayunman, totoo o hindi ang impormasyong ito, dapat na malaman ito ni Cardinal Luis Antonio Tagle para mabigyan niya ng babala ang pari.
Madalas daw kasing napagkikita si Father sa lahat ng mga sabungan sa Stancia, Malinao, Tabaco, Albay.
Ang siste pa, kung saan daw mayroong mga pa-derby ng mga manok sa paligid ng Tabaco at Malinao ay naroroon si Father Manny.
Ang masama pa rito, nakikita raw ng mga nakakikilala sa nasabing pari na siya pa mismo ang nagbibitaw ng manok niya.
Nakupo, Diyos kong mahabagin, patnubayan ninyo po sana si Father Manny!
Ano ba ito, Cardinal Tagle, isa rin po akong Katoliko, pero kung si Father Manny rin lang ang aming magiging kura paroko, huwag na lang po siya dahil masamang imahe!
SALUDO PO KAMI!
Siya nga pala, binabati natin ang Bacoor City sa pangunguna ng alkalde nitong si Mayor Strike Revilla, at sina Cong. Lanie Mercado Revilla, V-Mayor Karen Evaristo, sampu ng mga bumubuo ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod dahil sa Outstanding Local Government Unit of the Year na iginawad dito noong 114th Police Service Anniversary, August 10.
***
Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
