Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MNC DIRECTOR KASABWAT SA KAILIGALAN

$
0
0

HINDI biro ang magnegosyo sa kahit saang lugar sa Pilipinas, lalo na sa mga lungsod sa National Capital Region, sapagkat malaking pera ang usapin dito, lalo na sa pagkuha ng mga papeles.

Sa Maynila na lang, nandiyan ang barangay clearance, business permit, health and sanitary permit, Bureau of Internal Revenue at iba’t iba pang papeles na kailangang taglayin ng negosyo tulad pa minsan ng special use permit.

Kaya naman dapat, isa ang inyong lingkod na isang negosyante sa mga nagpapasalamat at naiintindihan tayo ng ilang opisyal ng Manila City Hall.

Pero itong hepe ng Manila North Cemetery na si Daniel “Dandan” Tan ay tila walang pakialam sa mga pinagdaraanang hirap ng mga negosyante, lalo na ng mga may-ari ng punerarya. Kaya nga kumukuha ng mga papeles sa Manila City Hall sa ilalim ng Manila City Health Department at City Civil Registry ay upang maipatala ang mga namatay na residente at nailibing sa Manila North o Manila South Cemetery o nailipat sa ibang lugar.

Kailangang bago mailibing o makapasok sa sementeryo ay ipakita ng driver ng karo sa mga bantay na member ng City Security Force ang burial permit. Pero kapag kabagang o kakampi ni Tan, dating barangay chairman sa Quiricada sa Distrito 3, ang chairman o kamag-anak ng patay, pinapayagan niya itong mailibing kahit walang burial permit.

Kinakasabwat niya o ng mga tauhan niya ang mga nakatalagang CSF sa gate ng Manila North Cemetery.

Alam ni Tan na kaya walang burial permit ay dahil hindi nakabayad ang pamilya sa punerarya. Batid niya ang sakit sa kalooban at bulsa ng may punerarya dahil siya mismo ay negosyante rin. Hindi ba’t ang mga contractor ng MNC ay sa kanya bumibili ng materyales?

Hindi naipapasok ng mga kontraktor ng nitso ang gamit na binili nila sa labas. Hindi ba’t masakit sa kalooban ni Tan kapag napalulusutan siya ng materyales? Kaya nga sinisibak niya ang mga kontraKtor na ayaw sa patakaran niya.

Negosyante rin si Tan dahil nake-cremate sa Manila North Crematorium ang ilang patay na handang bumayad sa kanila ng P8,000-P10,000 ang pamilya kahit pa hindi dumaan ang mga ito sa tamang proseso tulad ng paghingi ng pahintulot mula sa tanggapan ng City Administrator.

Hindi ba’t negosyo rin ang kanyang ginagawang patupada sa loob ng MNC kung saan dinarayo ito ng mga kilalang sugarol o sabungero sa Maynila at mga kalapit na lugar?

Kaya dapat, naiintindihan niya ang mga hinaing at pinagdaraanang unos ng mga negosyante na madalas ay kanyang brinabraso. May mga tawag nga itong si Tan na akala mo ay siya ang alkalde ng Maynila na kung magpresyo ay halos hingiin na lang ang serbisyo.

Oo, may mga kakampi kang may-ari ng punerarya. ‘Yung iba, tulad mo na chairman din ng barangay. Pero hindi dahilan ito para mambraso ka.

Ibang-iba ang approach niya sa dating chairman ng MNC na si Raffy Mendez. Si Mendez, dati ring chairman, ay nakikiusap sa may-ari ng punerarya na ibaba nang konti ang presyo.

Sa madaling salita, humihingi ng discount. Itong si Tan, dahil ipinagmamalaki na malakas siya kay Mayor Joseph Estrada dahil kamag-anak niya umano si Jaime Dichavez, ipinabubuhat ang patay at siya na ang bahala basta magbabayad ng nitsong paglilibingan. Pagkita pa rin ng pera ang inuuna.

Dapat, imbestigahan ito ng Manila Health Department dahil naipake-cremate at naipalilibing ang ilang patay nang walang papeles. Maganda sigurong paimbestigahan na rin ito sa Department of Interior and Local Government o sa Office of the Ombudsman. PAKUROT/LEA BOTONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Conejos para colorear


Lagarto para colorear


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Love Quotes Tagalog


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Girasoles para colorear


Tiburon para colorear


PreSonus FireBox - handly interfaz de


Problema Quotes – Pera Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>