HINDI ko na kayang ulitin sa kolum natin ang mga lumalabas sa bibig ng nakakausap kong mga Pinoy tungkol sa reklamo nila sa traffic.
Sobra na raw ang pasakit nito.
Kaya nanghingi na ng paumanhin si PNoy mismo at konting pasensya pa raw sabi ng Pangulo.
Isa sa mga sinasabing solusyon na ipatutupad daw sabi ng Presidente ay ang odd-even scheme.
Kumpara sa number coding, mas marami ang mababawas na sasakyan sa mga kalye dahil ang pagbabasehan ay ang odd at even numbers sa dulo ng plaka.
Ayon sa Presidente mahirap daw na agad ma-implelent kasi marami na naman magrereklamo.
Ako ay nakaranas ng ibig-sabihin na ito ni PNoy.
Ang daming bumatikos sa akin, ang dami pang nagtawa at kinutya ako noong iminungkahi ko na baligtarin ang coding number sa EDSA.
Ang sabi ko, imbes na isang set ng ending numbers ang ipagbabawal bawat araw sa kalye (halimbawa ay 1 and 2 ay bawal tuwing Lunes) ay isang set lang ang pwede sa EDSA mula 6 – 9 ng umaga.
Halimbawa, tuwing Lunes ang plate numbers ending lang sa 1 and 2 ang pwede sa EDSA from 6 and 9 AM lang naman, kasabay nila ang mga public transporation tulad ng mga bus.
Para mas lumuwag ang EDSA at mas makaraan ang mga nagko-commute na ang bilang ay umaabot ng 600,000 araw-araw.
At pagkatapos ng rush hour ay balik na sa dating patakaran ng number coding.
Pero marami ang kontra, dahil hindi naintindihan ng iba at may mga personal akong tinira at below the belt ang pagkutya sa akin samantalang ang mungkahi ko ay bilang isang pasahero rin na naghihirap sa araw araw na traffic.
Imbes na batikusin, bakit kasi hindi lahat ng pwedeng solusyon ay subukan at kung anoman ang pwedeng gamot sa sakit ng traffic ay ma-implement na.
Umpisahan na at ngayon na.
Para kung gumana ay okay at kung hindi ay maiayos pa.
o0o
Mag-email ng reaksyon sa ariel.inton@gmail.com o kaya ay text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/LTFRB COMM. ARIEL ENRILE-INTON


