Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MABAGAL NA INTERNET DAPAT NANG TUTUKAN NG NTC

$
0
0

NAPAPANAHON ang kahilingan ni Valenzuela City 1st District Congressman Sherwin “Win” Gatchalian sa telecommunication companies (TelCos) na bigyan ng maayos na serbisyo ang kanilang mga subscriber.

Ang kahilingan na ito ni Gatchalian ay kasabay ng aksyon ng National Telecommunications Commission (NTC) na pagsuri sa bilis ng internet connections na ibinibigay ng TelCos sa kanilang subscribers na kadalasang nagrereklamo sa bagal ng serbisyo.

Lumalabas kasi sa isinagawang pag-aaral na isa ang Pilipinas sa may pinakamabagal na broadband speeds hindi lamang sa Asia kundi maging sa buong mundo at nito lamang May 2015, pang-176 tayo sa 202 bansa kung ang pag-uusapan ay ang bilis ng serbisyo ng TelCos.

Sabi pa nga ni Gatchalian, kinakailangang bigyan ng maayos na serbisyo ng TelCos ang kanilang mga subscriber dahil matagal na ring naghihirap ang ating mga kababayan sa bagal ng kanyang mga internet connection.

Bukod sa pagiging mabagal na connections ay isa rin ang Pilipinas sa may pinakamahal na binabayaran sa TelCos at ito ay base na rin sa mga lumabas na pag-aaral ng iba’t ibang grupo sa mundo.

Kilala pa naman ang Pilipinas sa may pinakamaraming internet user ngunit sa halip na maganda at murang serbisyo ang ibinibigay sa atin ng TelCos ay puro reklamo ang sinasabi ng mga gumagamit ng internet at ito ay kitang-kita sa kanilang mga hinaing sa social media.

Base pa sa Ookla household download index, umaabot lamang sa 3.64 mbps ang household download speed na ipinagkakaloob ng TelCos sa Pilipinas kumpara sa global average na mayroong 23.3 mbps.

Sa buong Asia, ang Afghanistan ang lumalabas na may pinakamabagal na download speed at pumapangalawa rito ang ating bansa ngunit pagdating sa singil sa serbisyo ay mapalulunok ka na lamang dahil mataas ang singil sa Pilipinas.

Masyado ring malupit sa pagsingil ang TelCos at kapag hindi nakapagbayad ang isang subscriber ay agad-agad na pinuputulan ito ng linya ngunit kapag nagreklamo ka naman sa bagal ng kanilang serbisyo ay binabalewala lamang nila ito.

Dapat lamang na tutukan ng NTC ang suliraning ito ng mga internet subscriber at dapat ding magbayad ang TelCos sa sobra-sobrang sinisingil ng mga ito nang sa gayon ay makabawi naman tayo sa kanila. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>