Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

TIANGGEHAN SA ALBAY, WALANG PAKI ANG BARANGAY

$
0
0

MAYROON na raw na tianggehan ng tobats (shabu) sa Bgy. San Roque, Tabaco City, Albay.

Araw at gabi ang bentahan ng shabu at matagal na raw nagaganap ito pero hindi pinapansin ng barangay officials.

Baka naman pati ‘yung mga barangay official sa Bgy. San Roque ay may tongptas na rin.

Basahin ang kabuuang nilalaman ng reklamo:

Good eve, Sir Johnny. Dito sa P-4 Bgy. San Roque, Tabaco City, Albay, mayroon nang tiangge ng shabu, araw at gabi na matagal na raw ang bentahan ng droga dito pero hindi raw pinapansin ng mga barangay official para ipahuli sa police/PDEA-Bicol.

Sana sa pamamagitan ninyo, Sir Johnny, ay maiparating ninyo sa PDEA ang aming reklamo dahil marami nang mga kabataan ang nagugumon sa salot na shabu.

REKLAMO WALANG ANOMANG AKSYON

Isingit natin uli ang karugtong ng Justice delayed, justice denied  sa hudikatura.

Dahil sa walang maaasahang tulong ang lessee sa mga pulis at barangay, siya na mismo ang nagpunta sa bahay na inuupahan niya para mapigil niya ang ginagawang pangungulimbat sa kanyang mga naiwang gamit.

Pagdating niya sa lugar ay nadatnan nito na nakaawang ang gate ng bakuran at dagli siyang bumaba sa sasakyan.

Ipinasok niya ang kanyang kamay at sabay na nagsisigaw siya ng ‘magnanakaw’ habang nakikitang sinasakay sa van ang kanyang mga gamit.

Humingi siya ng tulong sa Galas Police kasabay ng pagpunta niya sa barangay hall para magreport at i-blotter ang insidente.

Pero ang masakit daw ay ipinapaaresto ang driver niya dahil sa pagparada raw sa driveway.

Dahil sa walang mangyayari na hustisya ay humingi na rin ang lessee ng tulong sa NBI-Anti-Organiezed Division.

Dahil sa mahabang proseso ay isinampa na lang ng lessee ang kanyang reklamo sa Prosecutors Office ng QC noong pa Oktubre 30, 2013.

Pero sa darating na Oktubre ay magdadalawang taon nang nakabinbin ang kasong isinampa ng lessee.

Ano ba ‘yan?

o0o
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>