Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PPA WA AKSYON SA ILLEGAL SHIPS DEPOT SA BALAYAN

$
0
0

HINDI nakapagtatakang kaya patuloy ang operasyon ng illegal ships terminal sa Balayan Bay ay dahil sa proteksyong natatanggap mula sa pamahalaan.

Sa ginawa nating research, labag sa batas ang angkorahe ng mga barko sa Balayan dahil wala itong permiso mula sa gobyerno.

Atin ding napag-alaman na noong panahon ni Gloria Arroyo, nagkaroon ng terminal dito na kung tawagin ay ships ‘lay-up’ corner.

Pinayagan ang naturang ‘lay-up’ area sa pamamagitan ng executive order na pinalabas ni dating Executive Sec. Eduardo Ermita.

Ang gobyerno – ayon sa EO – ay dapat makatanggap ng $30,000 kada buwan bilang bayad sa paggamit sa karagatan ng Pilipinas.

Ngunit ang ulat, dinaya ang pamahalaan sa pamamagitan ng pagdedeklarang nagamit ang Balayan Bay ng 3 buwan, imbes na  mahigit 1 taon.

Ang ulat – ilang tiwaling indibidwal mula sa PPA ang nagsagawa ng hokus-pukos para mapunta sa kanilang bulsa ang milyong halaga na sana’y sa kaban ng gobyerno mapunta.

Pero dumating ang hangganan na ang EO ay napaso at pinawalang bisa na rin ng Palasyo matapos magkaroon ng malawakang polusyon sa karagatan ng Balayan Bay.

Ang dahilan –  tumagas ang mga used petroleum mula sa isa sa nakaangkoraheng barko na nagdulot ng malawakang polusyon sa erya.

Dahil nasira ang angking yaman ng Balayan Bay, tinangka ng gobyerno na pagbayarin ang may-ari ng barko ng $40-million bilang danyos.

Walang nangyaring kasuhan at bayaran ng dolyar dahil biglang naglahong parang bula ang barko sa tinawag na ‘great escape’ sa Balayan Bay.

At ang balita, pinatakas ang barko kapalit ng P40-million na walang napala ang pamahalaan dahil pinaghati-hatian ng mga ‘multo’.

‘Multo’ ang itinawag sa mga nagpatakas dahil hanggang ngayon ay ‘di pa nakikilala at nananatiling walang pagkakakilanlan sa mga salarin.

Wala nang narinig pa tungkol sa ‘great escape’ mula noon dahil nagsara na ang angkorahe matapos rebokahin ng Palace ang permit.

Ngunit nitong mga nakaraaang mga buwan, nabuhay ang isyu ng ‘great escape’ matapos muling mag-operate ng ships ‘lay-up’ area sa Balayan.

Maliwanag na iligal ang operasyon ng ships terminal dito dahil wala itong kaukulang permiso mula kay Sec. Orchoa o kaya kay PNoy.

PPA Gen. Manager Juan Sta. Ana at Batangas PPA boss Leopoldo Biscocho, magpaliwanag nga kayo! CHOKEPOINT/BONG PADUA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>