Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KAPLASTIKAN NI ROXAS AT BAGMAN NI GEN. ALBANO

$
0
0

HABANG humahagupit si bagyong “Lando” sa malaking bahagi ng Luzon ay nagkukumahog naman si presidential aspirant Mar Roxas at ang kanyang mga “tsuwariwap” sa pag-eempake ng relief goods na ipamimigay sa mga apektadong pamilya at biktima ng masungit na bagyo.

Ayon pa kay Roxas, wala raw halong pamumulitika ang kanyang ginagawa.
Anooo?

King-ina, parekoy, pera ba niya ang ipinambili sa nasabing relief goods?

Hindi ba’t mula ito sa kaban ng bayan?

Wala na bang silbi ang DSWD at kailangan pa talaga na si Roxas ang mamigay nito gayong resigned na siya sa gabinete?

Tingnan n’yo, parekoy, o ginagago na naman tayo! Tanga! Noong kalihim pa itong si Roxas ng DILG, sa kasagsagan ng bagyong Yolanda ay ni hindi nga ito nagkumahog na asikasuhin ang mga kawawang biktima sa Tacloban City at malaking bahagi ng Kabisayaan!

Gayung mas kahindik-hindik ang sinapit ng libo-libong biktima sa trahedyang dulot ni Yolanda kaysa bagyong Lando.

Tapos ngayon, kung kailan hindi na niya tungkulin na mamahagi ng relief goods mula sa pamahalaan ay saka niya ito ginagawa! Hindi natin sinasabi na huwag niyang tulungan ang mga biktima ni Lando.

Ang sinasabi ko lang, eh, huwag na siyang tanggi ng tanggi na hindi siya namumulitika habang ginagawa niya ang bagay na ito.

Dahil ‘yan ay malaking kasinungalingan o kaplastikan!

Putang-ina ko, parekoy kung iboboto ko ang kandidatong ito. Dapat, eh, inanod na lang siya ni bagyong Lando! Pwe!

-o0o-

Wala raw konek sa iligal na sugal o walang nangongolekta para kay Region 4-A RD Gen. Richard Albano.

‘Yan, parekoy, ang litanya ng ilang sipsipwet sa nasabing heneral.

Aha, at gusto pang palabasin nitong mga demonyong sipsipwet na malinis ang kanilang bossing. Huh!

Kaya naman pala walang humpay ang iligal na sugal na “sakla, peryahan at lotteng” sa buong Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon!

Isa pa, Gen. Albano, sir, hindi mo ba kilala si Atty. Gerry Asuncion?

Hindi ba siya nangongolekta sa mga iligalista bitbit ang pangalan mo? Hindi mo ba pinsan ang taong ito?

Kung hindi ang sagot mo sa mga katanungang ito, aba eh, bakit hindi mo ipa-monitor ang gawain ng hinayupak?

At kapag malaman mo na, eh, bakit hindi mo siya ipadampot?

O baka naman mas malaki ang iyong dampot kung gumagala siya sa mga iligalista sa buong Region 4-A.

Hak, hak, hak! BURDADO/JUN BRIONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>