Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KUNG MADISKWALIPIKA SI GRACE, KAY SUSAN TAYO!

$
0
0

TOTOO kaya ito?

Sakali raw magtagumpay ang mga “bayarang grupo o indibidwal” na maipadiskuwalipika si Sen. Grace Poe sa presidential race dahil sa usaping citizenship ng senadora ay may nakahanda nang humalili para sa kanya.

Ayon sa ilang sources sa kampo ni Senadora Grace, posible umanong si movie icon o Queen of Philippine Movie Susan Roces ang isasabong sa presidential derby kapag tuluyang nadiskwalipika ang kanyang anak.

Ayon sa source na humiling ng anonymity, ang galaw ng iba’t ibang kampo na sipain si Sen. Poe sa pangpanguluhang halalan sa susunod na taon dahil sa usapin ng residency at citizenship, ay labis na nagpapagalit sa kanyang inang si Susan Roces kaya pinag-iisipan na rin ng beteranang aktress ang alok na siya ang humalili kung saka-sakali.

Sa una’y tutol si Roces, biyuda ni movie action king Fernando Poe, Jr., sa plano ng mga sumusuporta kay Sen. Grace subalit tila nag-iisip na ring pumayag dahil sa ginagawang panggigipit sa kanyang anak ng mga katunggali nito.

Si Da King FPJ, gaya ng batang Poe, ay binulabog din ng citizenship issue nang tumakbo itong presidente noong 2004.

Bagama’t nabigo ang mga kalaban ni FPJ na maipanalo ang mga kuwestyong ligal sa citizenship ng “Hari ng Pelikula”, tinalo naman siya ni dating Pangulo at ngayo’y kongresista Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa umano’y malawakang pandaraya sa halalan.

Ang alegasyon ng pandaraya kay Da King ng administrasyon ay lalong pinalaki ng “Hello Garci” scandal.

Ang “Hello Garci” scandal ang siya namang naging “multo” ni Mrs. Arroyo sapagkat hindi siya nito pinatahamik sa loob ng anim na taon sa poder.

Sinasabi ng sources na kung magtatagumpay naman ang kanyang mga kalaban na maipadiskwalipika si Sen. Grace, asahan na ang magiging reaksyon ni Susan Roces.

Para bagang ang mga Poe ay nadaya, “not once, but twice”, ng mga taong nasa impluwensiya at nasa kapangyarihan.

Dahil dito, hindi na raw makapapayag si Susan Roces na mangyari itong muli.

The source warned that a Roces campaign for president “will have a force like hurricane.”

Aba’y kung bagyo ang dating ni Sen. Grace sa kasalukuyang presidential race, tiyak na “super bagyo” ang hahambalos sa mga kalaban ni Poe kapag natuloy si Aling Susan! KANTO’T SULOK/NATS TABOY


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES