Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

QCPD DD EDGAR G. TINIO MISUNDERSTOOD

$
0
0

WITH this column, I am sure marami ang mabibiglang kauri at kaibigan sa trabaho. May taas-kilay, may kantiyaw at posibleng sabihin na ako ay baligtarin o kaya naman ay public relations officer ni Quezon City Police District Director PC/Supt. Edgardo Gonzales Tinio.

Noong ipakilala siya sa akin ni NCRPO Director Joel D. Pagdilao ay maganda ang pagtanggap sa isa’t isa. Ang bilin ni RD JOEL, tulungan si General Tinio.

Walang isang buwan, may mga napuna na ako na kulang. Akala ko ako lang pero nalaman ko, marami pala kami. Suplado sa media. Hindi makita. Nasa paligid man ay hindi naman makausap.

Yes, iba ang ugali ni DD Tino sa nagdaang dalawang DD ng QCPD. Kung gaano kabukas at kadaling lapitan, bilang naman ang letra na lumalabas sa bibig ni DD TINIO.

Nakapaninibago talaga. Kaya naman tayo mismo ay lumayo sa kanya. Matagal hindi tayo sumilip man lang sa Camp Karingal. Opo, galit ako kay TINIO that time! Inakala ko rin na siya’y antipatiko.

Isang opisyal ng QCPD ang kumausap sa akin tungkol sa pagkatao at ugali ni DD TINIO. Tumunog ang kanyang cellphone, kausap si Director at ang habilin, “bigyan mo ng pagkilala at premyo ang mga pulis natin!” Sumunod na araw ay gayundin, tawag uli ni General Tinio sa kaibigan, “tulungan mo ‘yung mga pulis natin…”

Isinama ako ng opisyal sa opisina ni DD. Ang usapan, pagsuspinde at pag-alis sa mga abusadong pulis-Kyusi. Matigas din ang bilin niya laban sa ilang pulis na sangkot sa BANGKETA, tanggalin agad sa unit at i-freezer!

Ilang ulit akong isinama ng kaibigang opisyal. Nakita ko na ang hangad niya. Nakilala kong lubos ang pagkatao ni DD TINIO. And now I say, this QCPD official, DD ED TINO is heavily MISUNDERSTOOD as an officer and a person.

Muli, nagtungo kami kay DD Tino kasama ang isang opisyal ng grupong media. Open ang usapan. Lumabas ‘yung suplado siyang DD. Hindi makausap. Hindi makaharap nang mahusay. Ayaw magpa-interview. Ayaw humarap sa tropa ng media, etsetera.

Nagsalita si Tinio. No holds barred. Sa rami ng napag-usapan, lumabas ang simpleng sistema ng kanyang pamamahala. Sa kanya, kapag matino ang pulis, commended and rewarded. Kapag bugok, sibak agad!

Naalala ko tuloy si RD JOEL noong una ko siyang nakausap. SUPLADO! Nagtagal ang aming pagkakilala, SUPER PULIS pala.

Ngayon, kilala na natin ang tunay na ugali ni GEN. TINIO, totoo nga, he is plainly MISUNDERSTOOD. BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Conejos para colorear


Lagarto para colorear


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Love Quotes Tagalog


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Girasoles para colorear


Tiburon para colorear


PreSonus FireBox - handly interfaz de


Problema Quotes – Pera Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>