Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

TAKTIKA NG QC COPS VS RIDING-IN-TANDEM

$
0
0

SA rami ng patayan na ang may kagagawan ay ang tinatawag na ‘Riding-in-Tandem’ criminals, aba’y kailangang kumilos ang kapulisan.

Para masawata ang pananalasa ng RIT, hindi dapat humihinto ang pulisya sa paghahanap ng sagot sa problemang ito.

Kudos kay Quezon City Police District (QCPD) director C/Supt. Egardo Tinio dahil nakikita natin ito sa kanyang liderato.

Ilang araw pa lamang ang nakararaan, 55 miyembro ng QCPD ay tumanggap ng diploma sa motorized tactical response course.

Ito’y isang training program na inaasahang tutugon sa problema ng patayan sa lungsod na ang may kagagawan ay RIT criminals.

Ang mga ito ay sinanay para sa dagliang pagtugon sa ‘crime in progress’ o iba pang tawag na saklolo mula sa nanganganib ang buhay.

Dahil ang gamit ay mga motorsiklo, mapadadali ang pagresponde ng mga ito kumpara sa mga four-wheeled vehicle.

Ang mga ito ay tinuruan din kung paano magbigay ng first aid sa mga sugatan – halimbawa’y sa isang aksidente o naganap na shooting incident.

Para sa ikatatahimik ng QC, ito’y taktika ni Gen. Tinio na dapat papurihan at suportahan ng mamamayan ng lungsod.

25 MWP LAGLAG SA CAVITE COPS

Laglag sa kamay ng Cavite PNP ang 25 ‘most-wanted persons’ sa isinagawang ‘one-time, big-time’ police operation sa naturag lalawigan.

Ang operasyon ay sumentro sa droga, ayon kay S/Supt. Eliseo Cruz ay utos ni Region 4-A director C/Supt. Richard Albano.

Nakakumpiska ang raiding teams ng anim na iba’t ibang uri ng baril, granada, 38 cal. revolver, mga bala at bawal na gamot.

Sa nasabing operasyon, ‘di na nakapalag pa ang 25 kriminal na may iba’t ibang kaso at nasa listahan ng most-wanted persons.

Dahil sa tuloy-tuloy na isinasagawang ‘one-time big-time’ police operations, daang kriminal na ang nahuli ng R4A cops.

At walang balak na magpahinga ang R4A sa pagsuyod sa mga lungga ng mga kriminal hangga’t ang mga ito’y ‘di nauubos.

‘Yan ang nakikita natin sa liderato ni Gen. Albano. CHOKEPOINT/BONG PADUA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>