Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PETTY CRIMES LANG ANG KAYA

$
0
0

TOTOONG disiplina ang paraan upang tumino ang mga mamamayan.

Tila ito ang gustong ipakita ng mga pulis na nakatalaga sa Quezon City Police District-Project 4 Station sa pangunguna ni Supt. Richard Fiesta.

Pagpapatupad ng batas ang kanilang ginagawa at sinisimulan nila ito sa maliliit na krimen.

Tama naman ang kanilang ginagawa sapagkat nagsisimula ang malaking krimen sa maliliit na paulit-ulit na lang dahil nababalewala bunga ng madalas pagbigyan o kaya naman ay mababa lang ang multa at parusa na nakasanayan na kaya napupunta sa malaking krimen.

Pero nakaiinis sapagkat ang mga kaya lang talaga nilang hulihin at iprisinta sa kanilang operasyon ng “Lambat Sibat” ay mga lumalabag sa ordinansa tulad ng paglulan ng motorsiklo na walang helmet.

Hindi ba’t nakahihiya naman na napakarami ng mamamayang kanilang hinuli dahil sa hindi pagsusuot ng helmet. Talagang pinag-uubusan nila ng oras ang imbestigasyon hanggang pagsasampa ng kaso sa piskalya.

Hindi pwedeng aregluhin sa kanila ang mga ganitong kaliliit na kaso dahil kabilin-bilinan daw ng kanilang district director na si C/Supt. Edgardo Tinio na huwag magpapaareglo.

Walang masama. Tama ang kanilang adhikain at alituntunin. Pero ang hindi maganda ay hindi nila pinagbibigyan at hindi pinakakawalan ang mga hindi nagsusuot ng helmet pero ang mga kulorum na pampasaherong jeep at taxi na kanilang nasisita ay hindi tinitiketan (dahil wala raw silang paniket).

Hindi nga nila hinuhuli pero hindi naman nila kaagad pinakakawalan ang driver hangga’t hindi nagbibigay sa kanila ng padulas.

Bilin din ba ito sa kanila ng kanilang station commander na si Fiesta at ni DD Tinio?

Aba’y kung ganoon, napakawalang kwenta naman pala ng pamunuan ng QCPD.

Naku Gen. Tinio, mas maganda siguro kung ang iutos mo sa mga tauhan ni Fiesta ang panghuhuli ng mga sugalan sa kanilang nasasakupan.

Mas magandang pagtuunan din ng pansin ng mga pulis ng Station 8 ang pagsugpo sa pagkalat ng bawal na gamot, lalo na sa mga kabataan.

Meron kasing bulung-bulungan na ilang tauhan ng station 8 ang sangkot sa pagbibigay ng proteksyon sa ilang drug pusher sa kanilang area.

Sabi pa, alam daw ito ng kanilang station commander na nagbibingi-bingihan kapalit ng lingguhang parating.

Aba’y fiesta ang bulsa kapag ganito ng ganito ang kalakaran. PAKUROT/LEA BOTONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>