Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PAANO NATIYAK NI DUTERTE NA MANANALO SIYA?

$
0
0

NOONG una ay nagdeklara si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na hindi siya tatakbo sa mga kadahilanang wala siyang ambisyon na maging Pangulo, matanda na at nais magretiro sa pulitika at may sakit.

Pero biglang nagbago ang ihip ng hangin at nagdesisyon siyang mag-file ng certificate of candidacy (COC), sa pamamagitan ng kanyang mga abogado.

Ang rason? Ayaw raw niyang magkaroon ng Pangulo na Amerikano. Hindi kaya mababaw ang dahilan? Inaasahan ko pa naman na ang kanyang rason ay makapagbibigay ng inspirasyon sa marami, o kaya ay pagtugon sa isang banal na adhikain, pero hindi. At paano niya natiyak na mananalo si Grace Poe kung hindi siya tatakbo? O baguhin natin ang tanong: Paano siya nakatitiyak na kung tatakbo siya para Pangulo ng bansa, ay matatalo niya o kaya ay mapipigilan man lang si Poe na manalo?

May mga ibang dahilan pa kung bakit hindi siya gusto ng marami bilang kandidato. Isa rito ay ang pagiging urong-sulong sa pagtakbo. Estratehiya man ito o hindi ay lumalabas na pabago-bago ang kanyang isipan.

Nang makapagdesisyon siya sa pagtakbo, marami sa kanyang tagasuporta ang nakalipat at ibang kandidato na ang sinusuportahan. Hindi na magugulat ang marami kung muli siyang aatras para suportahan ang ibang kandidato.

Hindi rin pabor ang marami sa kuwestyonable niyang track record pagdating sa karapatang pantao. Naugnay siya sa Davao death squad (DDS) na nasa likod ng maraming pamamaslang sa mga pinaghihinalaan pa lang na lumabag sa batas.

Negatibo rin ang dating ng minsan-minsang ikinikilos ni Duterte na nagpapahiwatig na pwede siyang maging diktador.

Hindi rin pwedeng balewalain ang katotohanang malaking bahagi sa tagumpay ng presidentiable ang pampulitikang makinarya, na makikita sa pondo at bilang ng tao na magagamit. Ang LP at UNA ay kapwa malawak ang makinarya, na maaaring hindi kayang tapatan ng PDP-Laban na kinabibilangan ni Duterte.

May mga kandidato sila sa halos lahat ng puwestong lokal o pang-national, na inaasahang kakampanya para sa kandidato ng kani-kanilang partido. Ang PDP-Laban ay mayroon din, marahil.

Kaya naniniwala ako na maputik at maraming lubak sa daraanan ni Duterte patungong Malacañang. Mas mabuti pa sa kanya ang patakbuhin ang mga bagay-bagay sa Davao City.

* * *
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View. FIRING LINE/ROBERT ROQUE, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>