NARITO po ang pagpapatuloy ng mga text message sa atin ni Mrs. Marcelina Miraña ng Calabanga, Camarines Sur.
Ito ay may kinalaman sa nawawalang titulo ng lupa ng kanyang lolo na si Leon Gava na tinatayang mahigit sa 10,000 ektarya.
Heto ang karugtong ng nilalaman na mga text message ni Mrs. Miraña sa atin.
Sir Johnny, consistent ako nang malaman ko na napakalawak pala ng lupa ng lolo ko na ang tawag nga raw ay Hacienda Leon.
Buti na lang at nakapagtago ng apat na kopya ng lumang tax declaration (original) ang ate ko na ang sakop ng lupain ay buong bayan ng Calabanga.
Maaga kasing namatay ang lolo at tatlong anak nitong na lalaki.
Sana, Sir, tulungan ninyo ako na makaabot ang reklamo naming ito kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales.
Mahigit 1 year na kaming pabalik-balik.
Tama na, sobra na talaga ang kabulukan na nangyayari sa ating gobyerno.
Panahon na para walisin ang mga tiwali.
Alam ninyo, Sir Johnny, gagawin naming lahat ang posibleng paraan at ilalaban namin ito para ma-recover lang namin ang property ng aming lolo na kinakamkam ng mga tiwali sa ating pamahalaan.
Noong May 2, 2015 ay may memo kaming natanggap mula sa bagong assistant regional director na kailangan ay kumuha raw kami ng serbisyo ng geodetic engineer para ma-relocate ang verification survey.
Ang masakit, Sir Johnny, wala kaming pambayad sa geodetic engineer at gagawin namin ang lahat para ma-recover namin ang mga property ng aming Lolo Leon.
VK NG SAMERA PADER PA RIN
Sa San Jose del Monte, Bulacan ay wala ring tigil sa pag-o-operate ng sangkatutak na mga video-karera (VK) ang mag-utol na Samera.
Naglipana pa rin ang mga VK sa 1st at 2nd District ng San Jose del Monte ng mag-utol na kapitan at konsehal ng nasabing bayan.
***
Anomang reklamo o puna, mangyaring itawag o i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o kaya’y i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
