Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

INUTIL BA TALAGA ANG DTI?

$
0
0

KUNG isa o dalawa lang ang nagreklamo laban sa depektibong SUV na gawa Mitsubishi, ang Montero Sports, pwedeng sabihin na “aksidente lang.” Pero umabot na sa halos isang daan (100) ang nagrereklamo, sabi ng tagapagsalita ng Mitsubishi, duda sila at posibleng mali ang pagmamaneho ng mga bumili?

Punyetang sagot o katwiran!

Malambot ang Department of Trade and Industry (DTI) nang sabihin nilang “titingnan muna namin” kung ano at saan talaga ang depekto ng nasabing SUV.

Naku naman, mga taga-DTI, ang dami ng nakuhanan ng CCTV at meron din tayong mga kababayan na nakuhanan ng video ang PAGWAWALA NG MONTERTO SPORTS!

Ano pa ba naman ang hihintayin ninyo? Imbitasyon ng Mitsubishi sa kanilang opisina, planta rito o lalo na sa Japan?

Mabaho ang alingasaw niyan, ha. Sabagay, iba talaga ang lasa ng ramen at sashimi-sushi sa Japan!

Sa maraming bansa, may magreklamo lang ng “sira” ng parte ng sasakyan ay BINABAYARAN KAAGAD NG AUTO DEALER at mas matindi pa, TOTAL RECALL sa lahat ng unit na magkakapareho.

Alam naman ninyo iyan sa DTI pero mukhang gusto ninyong maiba sa kanila?

Noon ang FORD, may ilang nagreklamo sa kanilang airbag, recall lahat ang halos 500 sasakyan sa buong mundo. Ang Toyota Prius ay gayundin ng may magreklamo, RECALL ang halos 800 units.

Kailan lang sa Japan, diesel gas emission ang reklamo, binawi lahat ng VOLKSWAGEN ang lahat ng kauri nito sa merkado!

Ayaw kong isipin na INUTIL NGA BA TALAGA ANG DTI pero sa mga press conference nila kasama ang mga opisyal ng Mitsubishi ay alanganin sila na utusan ang kumpanya na TIGIL-BENTA muna ang MONTERO SPORTS sa lahat ng merkado sa bansa.

Nakaririndi ang marinig mula sa mga taga-Mitsubishi na pagbintangan pa ng WRONG DRIVING daw ang mga bumili ng kanilang SUV.

Sino ang bibili ng magara at mahal na sasakyan para lang imaneho nang mali?

Punyeta kayo sa Mitsubishi!!!

Kaya lang, baka nga takot lang ang DTI dahil alam nila, mismong ang inutil na rehimen sa Malacañan pa nga naman ang nagbasbas sa planta ng Mitsubishi noon kaysa salubungin ang mga biktima ng Mamasapano massacre sa ating PNP-SAF 44!

Ni isang mambabatas din naman tunganga lang. Aba, bigyan ka ba naman ng libreng SUV? BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>