Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

RAID SA BILIBID MAGPAPATULOY

$
0
0

SA ika-16 na “Oplan Galugad” raid na isinagawa ng mga awtoridad sa New Bilibid Prisons (NBP) noong Sabado ay pinasok nila ang third quadrant ng Building 3.

Sa pagkakataong ito ay mas kaunti ang nakumpiska nilang kontrabando kabilang na ang DVD players, TV sets, cellphones at mga patalim, bunga na rin marahil nang sunod-sunod nilang pagsalakay sa mga selda.

Winasak din nila ang marangyang kubol umano ng nahatulang druglord na si Jaybee Sebastian sa loob ng maximum security compound.

Masasabi talagang maluho ang naturang kubol matapos matuklasan na mayroong sariling entertainment room, ilang kama, kubo, hardin at canteen sa loob nito.

Sa naunang ika-15 Oplan Galugad ay giniba naman nila ang recording studio ng sentensyadong pinuno ng bank robbery group na si Herbert Colangco.

Nabawasan din nang malaki ang bilang ng mga nasamsam na kontrabando na tulad ng bala ng shotgun, improvised na baril, mga kasangkapan, cellphone, patalim at P200,000.

Maglalagay na raw ang Bureau of Corrections (BuCor) ng container vans bilang kapalit ng mga kubol upang magsilbing bagong dormitoryo ng mga preso.

Ang pangako ni NBP Supt. Richard Schwarzkopf, Jr. ay marami pang raid na isusunod hanggang hindi tuluyang nawawala ang mga iligal na kontrabando sa loob ng Bilibid.

Pero hindi ba nagtataka ang mga awtoridad kung bakit hindi maubos-ubos ang mga kontrabando na kanilang kinukumpiska?

Pang-16 na ang raid na ang kanilang isinagawa pero nababawasan lang ang bilang ng kanilang nasasamsam, at hindi pa rin ito nawawala.

Higit pa sa pangako na gagawing tuloy-tuloy ang mga raid ay dapat magsagawa nang masinsinang imbestigasyon sa kalokohang nagaganap sa Bilibid.

Dapat tutukan ng mga awtoridad ang mga guwardya na dapat sana’y tumutupad sa kanilang tungkulin.

Dahil patuloy silang nakakukumpiska ng mga ipinagbabawal na bagay sa loob ng Bilibid ay maliwanag na hindi ginagawa ng mga guwardiya ang kanilang trabaho nang maayos.

Pero nagtatapos ba ang lahat ng kalokohang ito sa mga guwardiya? Dapat malaman kung gaano kalalim ang nasasaklaw ng iregularidad na ito mula sa mga guwardiya pataas.

Makakikilos ba ang mga guwardiya nang maluwag at walang inaalalang pananagutan kahit kanino, kung hindi nila itinuturing ang mga sarili na “pinagpala” at “nakasandal sa pader”?

* * *
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View. FIRING LINE/ROBERT ROQUE, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>