GRABE na ang pagnanakaw ng produktong petrolyo sa bayan ng San Jose at kanugnog na bayan nito sa lalawigan ng Batangas dahil sa walang takot na ginagawang pag-o-operate ng big-time operator ng buriki at paihian ng mga oil product sa lalawigan.
Lubhang mapanganib at namimiligro ang buhay ng mga Batangenyo dahil sa lugar na ire (ika nga ng mga Batanggenyo) sa San Jose at Batangas City ino-operate ang paihi at burikian ng mga oil product, maging ang jet fuel o gasolina ng mga eroplano na kung sumabog ay halos uubusin ang buong mga nabanggit na bayan.
Ewan ko ba rito kay Kap. Felix kung paano niya nasikmura ang kanyang negosyong paihi at buriki sa Bgy. Aguila at Groove, Bgy. Kalansayan na kapwa nasa San Jose, Batangas na kikita nga siya pero ang kapalit naman ay ang buhay ng libo-libong kababayan niya.
Ang balita ko nga ay matagal nang inirereklamo sa pulisya ng mga kababayan ni Kap. Felix ang paihi at buriki ng mga produktong langis nito pero nagtataingang kawali lamang si San Jose chief-of-police Maj. Ferdinand Acheta.
Nagbibingi-bingihan naman itong si Batangas Provincial Director Sr/Supt.Arcadio Ronquillo, Jr. na animoy ‘bingengot’ na walang kakayahang umaksyon sa nasabing mapanganib na kailigalan na negosyo nitong si Kap. Felix.
Mantakin n’yo, abot-kamay lang ang layo ng bahay ni Kap. Felix ang paihi at burikian nito dahil nasa tagiliran lang ng kanyang bahay. Kung sumabog ito at magkasunog ay maraming kababayang Batangenyo ni kapitan ang malilitson nang walang kalaban-laban. Hehehe.
Ano kaya ang ginagawa ng National Bureau of Investigation (NBI), Batangas?
Magkano kaya? Hehehehehehe…..
MALAKAS SA PULISYA KAYA WALANG HULI
Hindi pa rin hinuhuli ng kapulisan ng PNP, NBI at DILG ang mga video-karera ng tinaguriang ‘VK QUEEN’ na si MeAnne na may tatak na sticker na kulay violet sa Quricada, Tondo, Manila.
Malawak na ang operasyon ng mga makina ni MeAnne dahil dumarami ang mga lugar na nalatag nito gaya ng Quiricada, Bambang, Yakal, Dagupan, Perfecto, Limbas, Elias, Sampaloc area at sa sakop ng PS10. Hoy, hoy, hoy.
oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA