Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BIGYAN NG LEKSYON

$
0
0

KAMAKAILAN ay naaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District – Anti Illegal Drugs (QCPD-DAID) ang isang chairman ng barangay sa Maynila at kinakasama nito sa isang buy-bust operation sa Welcome Rotonda.

Talagang masipag ang mga tauhan ni Gen. Edgardo Tinio, director ng QCPD, sa panghuhuli ng mga nagtutulak ng salot na droga hindi lang sa kanilang nasasakupan kundi maging sa labas nito.

Kamakailan ay kinailangang magkaroon ng koordinasyon ang QCPD at Manila Police District (MPD) dahil sa paghabol ng mga tauhan ng QCPD-DAID sa tulak ng kilo-kilong shabu.

Noong isang linggo, nagsagawa ng test buy ang mga tauhan ni Sr. Insp. Manuel Laderas , team leader ng QCPD-DAID, laban sa kilabot na tulak ng droga sa Maynila sa nasasakupan ng Sta. Cruz.

Nagkaroon ng magkasunod na test buy laban kay Mariano Duque, Jr. na ang gusto pa ay gawin ang bentahan malapit sa barangay hall ng barangay 337 Zone 34 dahil batid niyang protektado siya ng chairman ng barangay na si Joyce Reyes.

Dahil hindi nila teritoryo ang Maynila, nagawa ng mga tauhan ni Laderas na mahila sina Duque at Reyes sa gawi ng Quezon City para maisagawa ang buy-bust operation.

Natiklo sina barangay chairman Reyes at Duque na napag-alamang lovers pala.

Sa kagustuhang makalabas mula sa kulungan, humanap ng mga padrino sina Reyes at Duque kaya nagpahagilap sila ng pera. Ang masaklap, inutusan ni Reyes ang sekretarya niya sa barangay na dalhin sa kanya ang pera na dapat ay para sa proyekto sa barangay kaya pumiyok ang mga kagawad nang mabatid ang plano ng kanilang barangay Chairman.

Aba’y dapat lang na hindi pumayag ang mga kagawad sapagkat pera ng barangay ang nais pakialaman ng kanilang chairman.

Magandang kumilos ang mga kagawad at iba pang opisyal ng barangay upang masampahan ng kaso ang kanilang chairman habang hindi pa nito napapakialaman ang kanilang pondo.

Dapat mabigyang-leksyon ng Manila Barangay Bureau at maging ng tanggapan ng Department of Interior and Local Government (DILG) itong si Reyes upang hindi pamarisan.

Lumalabas kasi na bagaman hindi siya ang mismong tulak ng droga, siya ang nagbibigay proteksyon sa tulak na si Duque kaya laganap sa kanilang lugar ang bentahan ng droga.

Hindi na dapat pamarisan pa itong si Reyes. Dapat ay sibakin na ito sa pwesto. Kumilos na dapat ang mga residente ng barangay na kanyang nasasakupan upang linisin ang reputasyon ng kanilang lugar. PAKUROT/LEA BOTONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>