KAMAKAILAN lang natapos ang pag-chop-chop sa napakalaking barkong pandigma ng Amerika na sumadsad sa Tubbataha reef na nasa Sulu Sea.
Ginawa ito, parekoy, para hindi na lumala ang damage sa ating iniingatang reef.
Hindi pinag-uusapan dito ang napakamahal na halaga ng barko ni Uncle Sam o ang relasyon natin sa Amerika.
Ang isyu, parekoy, ay nakatuon sa tinatawag na soberenya ng isang bansa. In short, respeto!
Noong nakaraang araw, parekoy, doon pa rin sa nasabing reef ay sumadsad din ang isang barkong pangisda ng bansang Tsina. Ngunit hindi gaya ng Amerika na agad nakipag-usap sa atin kung magkano at paano mababayaran ang nagawa nilang damage.
Pumunta, parekoy, sa ating bansa ang 2 opisyal ng Tsina para sabihin sa ating gobyerno na pakawalan ang mga tripulante, pauwiin ang kanilang barko at forgive and forget!
Tangna nila! Mga ungas talaga ang mga hinayupak!
Aabangan natin, parekoy, kung masisindak ba si PNoy rito sa kaungasan ng Tsina!
-o0o-
SA survey na pinalabas ng Social Weather Station ay 9.2% o isa sa bawat 12 Katolikong Filipino ang umaalis o planong bumitiw sa pagiging Katoliko.
May mga pari na nagpahayag na marahil ang mga kadahilanan nito ay ang malamya na mga sermon o preaching ng ilang pari kumpara sa agresibong mga “sermon” ng ilang pastor sa ibang relihiyon.
Maaari ring naidagdag pa umano ang iba’t ibang contribution o collections na isinasagawa ng Simbahang Katolika.
Sa puntong ito, parekoy, nagpahayag din si Ret. Archbishop Oscar Cruz na wala umanong katotohanan ang nasabing survey ng SWS.
Gobyerno umano ang may pakana ng paninirang ito para palabasin na walang kuwenta ang banta ng simbahan na ilalagpak nila ang mga kandidato ng Team PNoy na sumuporta noon sa Reproductive Health bill.
Sa aking pananaw, hindi pinag-uusapan kung totoo ang survey o hindi at kung lalayasan na nga ba ng marami ang Simbahang Katolika o hindi.
Ang mahalaga sa survey na ito at gaya rin sa iba pang election surveys, dapat nilang sabihin kung sino ang nagbayad sa SWS para isagawa ang survey para malaman muna ng taumbayan ang intensyon ng may pakana nito bago paniwalaan o balewalain ang resulta ng anomang survey!