Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MALI AY MALI

$
0
0

HINDI kailang nanalo si Davao City Mayor Rodrigo Duterte bilang Presidente noong nakaraang eleksyon sapagkat desperado na ang mga mamamayan na magkaroon ng pagbabago sa ating Inang Bayan.

Marami ang naniwala na si Ginoong Duterte ang sagot sa pagbabago dahil galit ito sa droga at korapsyon.

Maliban pa sa kakaibang estilo nito, ang pagiging brusko. Pero hindi pa man nakakaupo o nakakapanumpa sa puwesto itong alkalde na tinatawag ng malalapit sa kanya na Digong ay marami ng nakikitang mali sa kanyang pag-uugali at asal.

Tila hindi naman tama na sa kanyang press conference ay paswitan o sipulan ang mamamahayag ng GMA 7 na si Mariz Umali.

Sabihan mang humanga sa ganda at kaseksihan ni Umali si Duterte ay hindi pa rin tama ang ginawa ng magiging pinakamataas na lider ng ating bansa na magpakita ng ugaling tambay o kanto.

Ang isa pang masakit ay umasa ang sektor ng kababaihan na ipagtatanggol ng grupong Gabriela ang mamamahayag sa ginawang pambabastos ni Duterte subalit nabigo lamang ang mga ito.

Sa halip, ipinagtanggol pa ng Gabriela ang maling gawi o asal ni Duterte.

Dahil ba President-elect na ito at kakampi nila?

Aba’y sayang naman ang boto ng maraming kababaihan na umaasang maipagtatanggol ng partylist na tinangkilik nila.

Bukod pa sa sayang ang suweldo ng representative ng Gabriela at pondong tinatanggap ng mga ito na galis sa buwis ng mamamayan.

Ang mali ay mali at hindi dapat bigyan-katwiran para lang magmukhang tama.

Tandaan nila, huwag hayaang ang mali ay maging tama sa mata ng mga bata sapagkat ito ang tutularan nila.

Hindi ang mga bagay na mali ang ipapamana natin sa kabataan na pinaniniwalaang magiging pag asa ng bayan.

Ang mali ay mali at hindi pwedeng gawing tama sa mata ng mga bata pero pwedeng itama. PAKUROT/LEA BOTONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>