Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MINAHAN SA KAMAY NG PINOY AT ‘DI DAYUHAN

$
0
0

TINALAKAY natin kahapon, mga Bro, ang pangangailangan ng Pilipinas na gumawa ng sariling bakal para maging industriyal at umunlad.

Sa rami ng mga mineral na matatagpuan sa bansa, lalo na ang para sa paggawa ng bakal gaya ng iron ore, nickel, copper, asupre, manganese, carbon at iba pa, kaya ng Pilipinas ang gumawa ng sarili nitong bakal.

At mula sa bakal at iba pang katulad na materyales na mabubuo mula sa mga mineral, maaari tayong makagawa ng sarili nating mga makina.

Ang mga makina ay gagamitin para sa paglikha ng iba pang makina, transportasyon, makabagong pagsasaka at pangingisda, paglikha ng mga kuryente, komunikasyon at iba pa.

KAPIT-BANSA

Ang Malaysia, Taiwan, South Korea, Japan, Tsina, India at iba pa ay mga kapit-bansa nating may sariling gawaan ng bakal.

Ito ang susi ng kanilang tagumpay para sila umunlad at ang kanilang pag-unlad ay nagiging matatag o pangmatagalan.

May sarili silang minahan ng mga mineral at kung sila’y kinakapos, nag-i-import sila mula sa Pinas, halimbawa.

Kaya makikita ninyo kung gaano tinitibag ang ating mga kabundukan, isasakay sa barko ang mga ito, dinadala ng ilan sa mga ito sa kani-kanilang mga bansa saka pinoproseso upang maging bakal.

Bukod sa mga mineral para gawing bakal, nakaiipon din ang mga bansang ito mula sa mga barko-barko galing sa ating mga kabundukan ng mga ginto, pilak at iba pa.

Matapos nilang gawing bakal, makina, yero at iba pa ang mga lupang bundok na galing sa Pinas, ibinebenta nila ngayon sa atin ang mga ito.

May trabaho nang matatag ang mga mamamayan sa nasabing mga bansa, may maganda pa silang negosyong para sa loob at labas ng kanilang bayan.

KORAP, ETC.

Sa ngayon, ang pagkalkal ng ating mga lupain, kabundukan at karagatan para makuha ang ating mga mineral at pagbibiyahe sa loob at labas ng ating bansa ay isinasagawa ng iilang pribadong kumpanya, lokal at dayuhan.

Pero hindi makakilos ang mga ito, mga Bro, kung wala ang mga kasosyo nilang matataas na opisyal ng gobyerno na nag-aapruba lahat ng kanilang mga kailangan gaya ng prangkisa, mining permit, environmental certificate, permit-to-operate, permit-to-export at iba pa.

At puno ang ating mga batas at patakaran ng pabor sa mga ito, kasama na ang pagpapaikot maging ng ating Saligang Batas.

Ayon sa Konstitusyon, sa sosyohan sa kumpanya ng mga dayuhan at Filipino, dapat na 40% lang ang pag-aari ng mga dayuhan at 60% ang sa Filipino.

Pero, anak ng tokwa, baligtad ang nagaganap.

Sa minahan ng Malampaya natural gas sa Palaan, 10% na lang ang parte ng gobyerno o Filipino at ang 90% ay pag-aari ng Shell at Chevron.

Ang Mining Act pa nga na inaprubahan noong panahon ni Aling Gloria ay nagbibigay ng 100% pagmamay-ari ng mga dayuhan sa sakop nilang minahan.

KOMUNISTA, TERORISTA

Ang nasabing kasalukuyang kalagayan sa pagmamay-ari, korapsyon at pandarambong sa mga minahan, mga Bro, ang pinaka-ugat ng mga pagpatay o masaker sa mga lumalaban dito.

Pinapatay ang mediamen, gaya ni Doc Gerry Ortega, at sinomang lumalaban dito, gaya ng mga Lumad sa Mindanao.

Ang masakit, tinatawag na terorista at komunista ang mga lumalaban sa maling sistema ng pagmimina.

At kung tinawag kang terorista at komunista, diyan na ang kuyog na puwersa mismo ng pamahalaan para pumatay at mangmasaker sa iyo.

Babaklasin ang iyong pamilya, barangay at iba pang komunidad sa lugar, idedeklara ng mga puwersa ng pamahalaan na ‘no man’s land’ at tanging ang mga taong minahan na lang ang pupwedeng gumala at kumuha ng lahat ng yaman ng lugar ng minahan, gamit ang mga sundalo at pulis bilang mga sekyu.

Paano hindi madidiskaril ang buhay at pamumuhay ng mga Filipino kung libo-libong ektarya ang sakop ng isang kumpanya ng minahan?

SIRA-SIRANG KAPALIGIRAN

Diyan na sinisira nang walang habas ang kapaligiran.

Paghinto ng minahan habang nagpapatuloy ito, puro perwisyo na ang sinasapit ng mga mamamayan at nangyari ito sa Marcopper sa Marinduque, Philex Padcal sa Benguet at hinihintay ang perwisyo mula Tampakan mining sa Mindanao.

Sa Mindanao matatagpuan ang 15 mining company na kumakalbo sa mga kagubatan at kabundukan at gumagawa ng mga lawa na may mga nakalalasong kemikal na pagdating ng mga bagyo gaya ng Sendong at Pablo ay libo-libong mamamayan ang namamatay at milyones ang napipinsala sa iba pang paraan mula sa baha, landslide at iba pa.

SI DUTERTE

Pag-upo ni Duterte sa Malakanyang, susubukin niyang baguhin ang sistema sa pagmimina.

Kooperatiba ng mga Pinoy ang itatatag para magmay-ari ng mga minahan at sila na rin ang magmimina upang matiyak ang pangangalaga sa kapaligiran at kumita at umunlad ang mga Pinoy.

Filipino muna bago dayuhan at kasosyo ng mga ito, katwiran ni Digong.

Para matupad ang mga ito, buong suporta ng mga mamamayan ang kailangan ni Duterte.

Call ba tayo lahat?

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>