Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

REAKSYON NG TAUMBAYAN NAMAN…

$
0
0

HALOS maghapon ay nakipag-usap tayo sa maraming kababayan mula sa iba’t ibang komunidad.

Nakatutuwa at nakababato ang kanilang mga opinion at reaksyon sa kasalukuyang nangyayari sa bansa at lokalidad.

Partikular na usapan ang sunod-sunod na operasyon ng mga kagawad ng pulisya, katuwang ang mga opisyal ng mga barangay.

Tampok ang pagpapairal ng curfew sa mga menor-de-edad at mga nag-iinuman sa kalye na nakahubad pa.

Aprub sa kanila pero may ilan na nagsabing pakitang-tao lang ang ginagawa ng mga pulis at taga-barangay para raw mapuna lang sila ni incoming president Rodrigo Duterte. Talaga lang, ha. Malupit naman ang gamit na salita ng ilan, sumisipsip o nagpapakitang-gilas. Hahaha.

Pero nang umabot na sa usapin ng iligal na droga, mas mainit ang usapan. 90% sa kanila na nagsabing aprubado ang ginagawang operasyon ng mga pulis na idinudugtong sa mainit na banta ni President DIGONG.

‘Yung nasa 10% marahas daw lalo na ‘yung magkakasunod na pagpatay sa mga tulak ng droga at kay Cebu druglord Jaguar.

Sa huli, nagkasundo kaming lahat na dapat magbago na ang lahat hindi lang dahil sa gusto ni Duterte kundi ang napapanahon na panawagan ng pagbabago.

Tama ‘yun. Katulad ng mga naunan natin pahayag sa BALETODO, hindi kakayanin mag-isa ni Pangulong RODY ang paglilinis at pagbabago.

Kailangan, lahat tayo! Nagkatinginan na lang noong ipayo natin sa kanila ang pagpapanumbalik ng pagiging disiplinado at makabayan ng bawat Filipino. ‘Yaong pagsunod sa lahat ng uri na batas. Ke ordinansa o pambansa, kailangan sumunod tayong lahat.

At kung pwede, huwag muna tayong tumangkilik ng anomang uri ng produktong dayuhan. Mula sa gamit, damit at pagkain.

Bigyan ng halaga ang pagtangkilik sa mga sarili natin na produkto. Kapag nangyari iyan, hindi lalabas ang salapi natin. Iikot lang sa bansa at lalago tiyak ang ekonomiya natin.

Ang bawat sentimo na ginugugol natin sa produktong dayuhan ay hindi nauuwi sa kaban ng bayan. Iniuuwi ng mga dayuhang kapitalista ang kanilang puhunan at paiikutin ang tubo mula sa atin. Sa huli, iuuwi nila ang kita sa kanilang bansa. Tuyo ang pondo ng Filipino!

Nagkakaisa rin ang mga kababayan natin na hindi pa man nauupo ang bagong Pangulo ay kumikilos na ang mga ahensiya na may pananagutan sa pagpapatupad ng kapayapaan sa ating mga komunidad.

Nakikita na rin ang paglilinis sa paligid at sana nga ay maging kasanayan na natin lahat ng pagbabago na nangyayari.

Sa pag-upo ni Duterte, dahil maayos na tayong lahat ay ang pagpapatupad ng mga programa na mag-aangat sa ating buhay.

Iyan ang lumalagong reaksyon ng taumbayan, ngayon! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>