Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

WALANG KATAPUSANG PANG-AAPI NG TSINA

$
0
0

PILIPINAS ang kinatigan ng United Nations tribunal sa Hague sa isyu ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea, at nagpahayag ito na walang ligal na batayan ang pag-angkin ng China sa karagatang pasok sa exclusive economic zone (EEZ) ng ating bansa.

Sa kabila nito ay binalewala ng China ang desisyon at patuloy pa rin sila sa pang-aapi at pambabastos sa kawawa nating mangingisda.

Noong Huwebes, dalawang rubber boat ng China Coast Guard (CCG) ang sapilitang nagtaboy sa mga Filipinong mangingisda at pinigilan silang makalapit sa Panatag Shoal.

Gustuhin man ng mga Filipino na ipaglaban ang karapatan batay sa desisyon ng tribunal ay hindi nila nagawa.

Sa likod kasi ng mga bangka ay ang malaking barko ng CCG na handang kumilos sakaling hindi sila sundin ng mga mangingisda.

Ayon sa gobyerno ay pwede nang pumunta sa Panatag Shoal ang ating mga mangingisda. Ang paalala lang ng gobyerno ay mag-ingat daw sila.

Ano ito? Pinapayagan ng pamahalaan ang ating mga mangingisda na pumalaot sa karagatan ng Panatag Shoal upang ipagpatuloy ang kanilang kabuhayan nang hindi man lamang sila sinasamahan?

Hindi mapipigilan ang China sa pananakot at pambu-bully sa ating mga mangingisda batay sa desisyon ng arbitral court na hindi nila kinikilala.

Kung hindi rin lang kaya ng mga awtoridad na samahan ang mga mangingisda natin na pumunta sa Panatag Shoal ay huwag nilang payagan ang mga ito.

Patuloy lang na malalagay sa peligro ang buhay ng ating mga kababayan kung hahayaan silang kumilos nang sila-sila lang.

Binomba na sila ng tubig ng China noong 2013 at inakala ng mga mangingisda na hindi sila makaliligtas.

Wala silang nagawa kundi lumayo sa lugar at umuwi nang luhaan. Halos mabalatan daw sila sa sobrang lakas ng buga ng tubig.

Ngayong 2016 na naibasura na ng korte ang claim ng China sa West Philippine Sea ay inakala ng ating mga mangingisda na maibabalik na rin ang karapatan nila sa sarili nating karagatan nang walang kinatatakutan, pero bigo pa rin silang umuwi.

Aminin natin na walang kakayahan ang Pilipinas na tapatan ang pwersa ng China sa mga armas at bilang ng militar.

Pero alalahanin na pwede tayong humingi ng suporta sa mga kaibigang bansa upang mapilitan ang China na sumunod sa desisyon, dahil kabilang ito sa mga lumagda sa United Nations Convention on the Law of the Seas (UNCLOS).

Pigilan ang China sa walang katapusang pang-aapi sa ating mga kababayan.

* * *
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View. FIRING LINE/ROBERT ROQUE, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES