ALAM n’yo bang si Ilocos Norte Gov. Imee R. Marcos ay pumuntang Singapore nitong Hulyo 10?
Nagtungo si Imee sa Singapore, sapagkat inimbitahan siya sa World City Summit Mayors Forum (WCSMF) upang ibahagi ang lawak ng kanyang kaalaman at lalim ng kanyang karanasan hinggil sa pamamahala upang magkaroon ng “economic and environmental resilience, sustaining a high quality of life, and establishing community engagement” sa isang pamayanan.
Ang mga nagsasalita bilang resource person sa WCSMF ay “by invitation” ng mga mahuhusay na lingkod-bayan. Ibig-sabihin, si Imee Marcos ay nagtungo sa naturang world forum, sapagkat siya ay inimbitahan. Hindi nagprisinta.
Walang ibang ibig-sabihin ang imbitasyon kay Imee kundi maliwanag na “pagsaludo” ng world leaders sa kanyang husay bilang lingkod-bayan.
Si Imee ay inimbitahan hindi dahil sa siya ay isang Marcos na isang batikan at kilalang apelyido sa international community kundi dahil sa kanyang mayaman, malawak, malalim, at makabuluhang karanasan sa pamamahala ng ekonomiya, kalikasan at kapaligiran, sustenidong pagpapaangat ng buhay ng mamamayan, at pagtitiyak na ang mamamayang ng isang pamayanan/komunidad ay aktibong lumalahok sa mga aktibidad na inilunsad ng pamahalaang lokal tulad ng patuloy na nagaganap sa Ilocos Norte simula nang maging gobernadora siya ng lalawigan.
Sa kasalukuyang panahon kung saan napakaraming hamon sa ating buhay, kinakailangang ang namumuno ay mayroong malawak, malalim at depenidong nalalaman sa ekonomiya, kalikasaan at kapaligiran, pagtitiyak at pagsusustine ng maganda o de-kalidad na buhay ng mamamayan.
Dapat na aktibo rin ang mamamayan sa pamayanan upang sumulong at umangat ang buhay ng mamamayan kasabay sa pagsulong at pag-angat ng ekonomiya ng pamayanan.
Ang pagsulong at pag-angat na ito ay mahigpit na nakaugnay at hindi pwedeng paghiwalayin sa pagsulong at pag-angat din ng ekonomiya ng buong bansa.
Nakita at napatunayan ng mga organizer ng WCSMF na napakayaman at substansiyal ang “best practices” na mga ginawa ni Imee sa pagiging gobernadora at sa pagiging kongresista niya noon.
Kaya, tiniyak ng WCSMF na si Imee Marcos ay makadalo upang maibahagi ang kanyang mga nalalaman at natutunan sa karanasan sa pagiging matagal na niyang pagiging lingkod-bayan na pawang mga “best practices.”
Ayon kay Lawrence Wong, minister ng national development sa Singapore at chairman ng forum, ang tema ng WCSMF forum ngayong taon ay “Liveable and Sustainable Cities: Innovative Cities of Opportunity.”
Kung ako kay Pangulong Rodrigo Duterte, humingi ng mga payo kay Imee ang economic team ng kasalukuyang administrasyon. BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA