KUNG ihahambing ang laban ng mahal kong Pinas sa laban ng ibang bansa sa droga, masasabing mahina pa tayo.
Kakaunti pa, halimbawa, ang napapatay sa mga gumagawa at nagpapakalat ng droga habang mas kakaunti ang sa hanay ng mga protektor at kasabwat ng mga druglord, pusher at adik.
SA THAILAND
Noong mga taong 2003-2004, nagdeklara ang bansang Thailand ng giyera laban sa droga.
Napakabangis ang laban dito dahil halos 3,000 ang ipinasundo kay Lord.
Nagsimula ang giyera nang magreklamo mismo si Haring Bhumibol Adulyadej. Sa panahong ito, biglang lumobo ang mga nagsa-shabu mula sa kung ilang daang libo lang ilang taon bago mag-2003-2004.
Pero sa mga taong nabanggit, anak ng tokwa, naging milyon-milyon na ang mga adik sa shabu na nanggagaling sa mga bansang Burma at Laos.
Sinamantala ito ng napatalsik sa korapsyon na si Prime Minister Thaksin Shinawatra. At sa loob lamang ng tatlong buwan mula Pebrero, nasa 2,000 na ang napapatay.
‘Yung 1,000 na pagpatay sa mga sangkot sa droga ay sa susunod na mga buwan hanggang sa taong 2004.
PAGBABAGO
Ngayon ay patuloy ang mabangis ang laban sa droga sa bansang ito bagama’t may ilang pagbabago.
Kabilang sa mga pagbabago na isinasagawa ay nag-ugat sa resulta ng imbestigasyon sa mga patayan na halos kalahati sa mga napapatay ay hindi naman pala sangkot sa droga.
Marami sa mga ito ang bunga ng pangangati ng kamay ng mga pulis sa gatilyo, personal na away ng mga magkakapitbahay at pamemera sa ibinibigay na reward sa mga pulis at iba pang opisyal ng gobyerno na makapatay ng mga “sangkot sa droga” kahit hindi.
SA CHINA
Nitong nakaraang taon lamang, umabot sa 600,000 ang sinasabing pinarusahan habang nasa 133,000 ang inaresto.
Para sa drug user, drug dealer at druglord na mahulihan ng 50 gramo ng heroin o cocaine, minimum na habambuhay na pagkabilanggo ang parusa mo pero karaniwang binibitay na lang ang mga ito.
Siyempre pa, may mga ikinukulong din ng kung ilang taon lamang.
Sa rekord, nagmumula sa sinasabing Golden Triangle ng mga bansang Thailand, Laos at Burma ang cocaine at heroin. Pero ngayon ay na-overtake na ang mga drogang ito ng shabu na ang Tsina mismo ang sinasabing pinakamalaking gawaan nito sa buong mundo?
At ngayon, ang mga kabataan ang suki, mga edad 35-pababa. At, anak ng tokwa, alam ba ninyong sa pagkalat ng cellphone kahit saan, aba, online na ang bilihan at bentahan.
PAGBABAGO
Grabe umano ang problema sa droga sa Tsina kaya hindi na lang pagpatay ang programa laban dito.
Isinasama na sa programang edukasyon sa mga kabataan ang droga dahil ang mga kabataan nga ang lumalabas na mga adik at pusher.
Pero ang pagbitay ay matinding parusa at hindi ito binubura sa listahan. Ilan na nga bang Filipino ang binitay sa Tsina sa pagdadala ng kilo-kilong coaine at heroin doon?
SA INDONESIA
Isa sa mga pinakaistriktong bansa ang Indonesia laban sa droga.
Nababahala ang Indonesia dahil mahigit sa 50 katao ang napapatay araw-araw dahil sa droga. ‘Yung bang === malala ang krimen.
Kaya naman, para matigil ito, sinimulan ni Indonesian President Joko Widodo ang pagpaparusa sa pamamagitan ng firing squad sa mga druglord at drug dealer, kasama na ang mga dayuhang nagpapasok ng cocaine, shabu, heroin, marijuana.
Nitong nakaraang taon, sampu-sampu ang pina-firing squad at balak nilang ubusin ang lahat ng mga nakabilanggo na druglord at drug dealer, kasama na ang napagbintangan drug mule na Pinay.
Nauna nang finiring squad ang mga kasama ng Pinay. Mabigat na mabigat na para sa Indonesia na harapin ang halos limang milyon nilang adik.
PAGBABAGO AT PROBLEMA
May ginawang pagbabago na mahalaga ang Indonesia.
Ngayon ay binura na nila ang pagkakaiba ng user at pusher. Kasi, inaabuso ang pagklase-klase na may kanya-kanyang parusa.
Magaan lang ang parusa sa user samantalang mabigat ang sa pusher. Pareho lang ang mga pulis sa Indonesia at sa Pilipinas na inilalagay na user ang pusher depende sa lagay at iba pang mga dahilan.
Ngayon, parehong mabigat na ang parusa rito.
May problema nga lang na malaki sa Indonesia: militar ang protektor ng mga druglord samantalang mga pulis naman ang nasa Pilipinas.
ESEP-ESEP
Mahina ang Pinas laban sa droga kung ikukumpra sa nasabing mga bansa.
Sa pitong milyon nating adik, pusher, druglord, protektor at iba pa, ano-ano nga ba ang mga dapat na gawin?
DU30, go, go, go pa!
oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA

