Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MARAMI PA ANG HINDI NAPANGANGALANAN

$
0
0

NANG inilabas ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte ang ngalan ng mga politiko na sangkot umano sa droga, may mga natuwa at may mga nalungkot.

Ang mga natuwa ay ang gustong malaman ang katotohanan ukol sa narco-politics o paghahari-harian ng mga politikong druglord o protektor ng mga druglord na armado at may escort pang maaaring pulis o militar.

Nalungkot naman ang mga napangalanan dahil nasira umano ang kanilang mga pangalan at kanya-kanya ngayon ang denial ng mga ito.

Ngunit mayroon pang mga nalungkot dahil sa ibang mga rason gaya ng hindi umano paglabas sa listahan ng iba pang malalaking sangkot sa droga.

Ang masasabi natin dito: May mga darating pang mga pangalan umano at mag-antay lang tayo, mga Bro, kung sino-sino ang mga ito.

IBANG IMPORTANTE

Bukod sa paglalabas ng pangalan ni Pangulong Digong ng mga “sangkot” sa droga, magandang tingnan din ang iba pang mga kakambal na kautusan nito rito.

Kaugnay ng mga politiko, mga Bro, pinababawi agad niya ang pagiging escort ng mga pulis sa mga ibinuking niyang mga politikong druglord o protektor o labis na pabaya sa droga.

Pinawawalang-bisa rin niya agad ang mga lisensyadong baril ng mga nasabing politiko.

Bilang Pangulo, iniutos din niya sa mga narco-politician na mag-report sa pulisya o harapin ang kanilang mga kaso sa korte.

Bahala ang mga politikong ito kung susunod sila sa kautusan o hindi subalit tiyak na hindi titigil ang pulisya sa paghahanap sa mga ito kung hindi sila magpapakita sa mga presinto.

Mahalagang taglayin ang paniniwala na bago inilabas ng Pangulo ang ngalan ng mga ito, dumaan na ang mga record sa iba’t ibang kamay hanggang sa magkaroon ng paniniwala na may posibilidad nga na sangkot ang mga ito sa droga sa iba’t ibang kadahilanan.

PULIS, MILITAR

Pulis, militar, bumbero, prison guard at iba pang armado mismo ng pamahalaan ang iba pang sangkot sa droga na pinangalanan ng Pangulo.

Kasabay nito ang kautusang mag-report ang mga ito sa pulisya o sumurender na kaya.

Retirado man o nasa aktibong serbisyo pa, kailangang mag-report ang mga ito sa pulisya. Kung hindi, bahala na sila sa buhay nila?

‘Yun bang === bahala na sila kung mahanap sila ng mga pulis na maaaring magdidiretso sa kanila sa karsel o kaya’y sa sementeryo… kung lumaban sila.

Ang mga politiko ay tinanggalan agad ng mga ligal na escort at papeles sa baril.

Hindi naging malinaw kung kasama ang mga armadong pwersa ng pamahalaan sa mga dapat na madisarmahan.

Kung walang pagdidisarma sa mga ito, tiyak namang magdadala ang mga ito ng sakit sa ulo sa kapulisan o sa sinomang awtoridad na roon sila susuko.

SA KORTE MAGPALIWANAG

Ang nakasanayan natin, mga Bro, sasabihin lang ng mga pulis, “Sa presinto ka na magpaliwanag!” Pero batay sa mga nagaganap, tiyak na magbabago ang usapan.

‘Yun bang === “Sa piskalya o sa korte ka na magpaliwanag!” Sapagkat wala naman talagang magagawa ang pulisya kundi magsampa ng mga kaukulang kaso sa mga pinangalanang narco-politician at mga pulis, militar, bumbero at jailguard.

At ang kasunod nito ay ang pag-subpoena ng mga piskal sa mga masasampahan ng mga kaso.

Kung makitaan ang mga suspek ng posibilidad na sangkot nga sila sa droga, sa korte naman magpapaliwanag ang mga ito.

‘Yan ay kung mag-iisyu ang korte ng warrant of arrest na nangangahulugan na may batayan nga ang sumbong laban sa mga suspek.

Sa paglilitis sa hukuman magaganap ang todo-paliwanagan. Bahala na ang mga huwes na magdesisyon subalit maaaring hindi hahawak ng kaso rito ang mga huwes na napangalanan din ni Pang. Digong na sangkot din sa droga.

MAGANDANG PANGYAYARI

Para sa atin, magandang pangyayari ang pagpapangalan ni Pang. Digong sa mga politiko, huwes, militar, pulis, bumbero at jailguard na may kaugnayan sa droga.

Hindi ginawa ito ng nakaraang mga administrasyon na isang malaking dahilan kung bakit walang nakamit na malaking tagumpay laban sa droga.

‘Yun bang === tagumpay na makadudurog talaga sa droga upang maligtas ang buong bansa mula sa kamay ng mga kampon ng droga.

Isa pang magandang pangyayari rito ay isang paraan ito upang maiwasan na rin ang mga patayan na gawa ng mga ito.

Magandang pinangalanan ang mga ito sa publiko upang mapigilan ang patuloy na pagpatay, lalo na sa mga pagpapatahimik sa mga “marami ang alam” sa konek ng mga ito sa droga.

Ang totoo, marami ang napapatay ngayon hindi lang sa mga engkwentro kundi sa salvaging at kung may engkwentro man ay pampatahimik pa rin sa mga “marami ang alam.”

Dapat talagang malinis ang pamahalaan mula sa kamay ng mga gumagamit nito para sa kanilang pansariling interes kesehodang masira ang buong bayan.

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaccia


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaz de


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>