Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SINO NGA NAMAN ANG ‘DI MAPAMUMURA?

$
0
0

MINURA ni Pangulong Duterte si Pangulong Barack Obama ng Amerika dahil sa panghihimasok sa isinasagawa niyang kampanya laban sa droga.

Pulos mura rin mula kay Duterte ang natanggap ni Ban Ki-moon ng United Nations at ng Europian Union sa pagbatikos sa anila’y extrajudicial killings na nangyayari.

Mapamumura nga talaga si Pangulong Duterte dahil hindi birong problema ang kanyang sinusuong sa napakalawak na suliranin ng bansa gaya ng malaganap na droga sa Pinas.

Potaena, hinayaan ng mga nakalipas na administrasyon ang pagdami ng mga kababayan nating nalulong sa ipinagbabawal na gamot. Kahit saang kasulok-sulukan ay mayroong adik sa shabu.

Sinong mag-aakala na maging mga magsasaka sa malalayong bukid ay naabot na rin ng droga?

Pati magbabasura na halos wala nang kinikita sa buhay ay biktima na rin nito. Ang malupit, hindi na lang nagiging bagsakan ng droga ang Pilipinas.

Kung dati’y hirap na hirap ang mga international drug syndicate sa pagpapasok ng droga sa bansa, ngayo’y dito na mismo ito minamanupaktura gaya ng shabu na naging isa nang malaking negosyo.

Makapagmumura kang talaga sa napakapangit na katotohanang sa droga kumukuha ng pondo sa kanilang kampanya ang maraming politiko.

At may ilang politiko na kaya pumasok sa pulitika ay upang palakasin ang kanilang negosyong droga.

Makapagmumura ka rin dahil kahit nasa kulungan na ang mga demonyong druglord, patuloy pa rin ang kanilang negosyo ‘pagkat protektado ng mga matataas na opisyal ng gobyerno.

Kamakailan nang bisitahin ni Pangulong Duterte ang isang natuklasang drug laboratory sa Arayat, Pampanga, napamura na naman siya.

Nalaman kasi niya na itinayo ang naturang shabu laboratory sa kasagsagan ng nakaraang kampanya.

Put…na! Put…na! Sino’ng mga demonyong politiko ang nagpalusot nito?!

Kaya tama lang si Pangulong Duterte na pagmumurahin niya ang mga humahadlang sa kanyang kampanyang linisin ang bansang Pilipinas sa droga.

Tama rin siya na pagpapatayin ang mga druglord, tulak at adik na nakagagawa ng karumal-dumal na krimen dahil sa bawal na gamot.

Kung maaari, idamay na rin ang mga dilawan, mga taga-simbahan at mga buwitreng puolitiko na walang ginagawa dahil protektor ng mga sindikato.

Sa salitang Waray, mga birat kanim iroy! KANTO’T SULOK/NATS TABOY


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Lagarto para colorear


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>