Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KONGRESISTANG SANGGANO ANG ASAL

$
0
0

PULITIKA ang ugat at hindi ang mosyon sa komite ni Surigao del Sur Rep.Prospero Pichay ang ikinagalit ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa kapwa mambabatas nito na muntik nang mauwi sa suntukan dahil sa asal sanggano na ipinakita nitong si Barbers.

Tama lang po, na ireklamo ni Cong. Pichay sa House ethics committee itong si Rep. Barbers para mabigyan ng leksyon ang mga tulad ni Barbers na nagpapakita ng kagaspangan ng pag-uugali sa harap ng milyon-milyong Filipino na nanood ng live telecast sa telebisyon at radio ng pagdinig na isinagawa ng House committee on constitutional amendments.

Aba’y kitang-kita ng sambayanang Filipino kung paanong umasta na parang sanggano itong si Barbers nang kanyang duruin at hamunin si Pichay habang nakaupo ito.

Malaki ang hinala ni Cong. Pichay na hindi ang kanyang mosyon sa komite ang ipinagpuputok ng butse sa kanya ni Barbers kundi ang ilang beses na pagkatalo niya sa pulitika sa kanyang mga kaibigan na sina Rep. Guillermo Romante, Jr. at Gov. Sol Matugas na hinala ni Barbers ay si Pichay ang nasa likod ng pagkatalo niya.

Ay naku! Ang babaw ni Barbers…

Sinabi pa ni Cong. Pichay na hindi kailangan ni Barbers na humingi ng apology sa kanya kundi sa buong institusyon siya humingi ng apology dahil dito ay dapat umaktong “statesman” ang isang kongresista.

“’Di ito palengke gaya ng inasal ni Barbers,” ani Pichay.

MASIPAG MANGOTONG

Gabi-gabi ay nagkalat ang mga kalalakihan na hinihinalang mga sabog sa ipinagbabawal na droga sa Ermita at Malate na pawang sakop ng Police Station 9 ng Manila Police District na pinamumunuan ni Supt. Honrada.

Ang pinagtatakhan ko lang ay kung bakit tila wala akong nabalitaan man lang na nanghuli ng mga adik at pusher ang mga pulis ng PS9, pero pagdating sa pangongotong sa mga iligal na pasugalan, vendor at iba pang vices ay nangunguna ang collector na si Jess Manaliang.

oOo
Anomang puna o reklamo, i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>