Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MAY SHABU NA, MAY COCAINE PA

$
0
0

HANEP talaga ang mga pu…In.. druglord.

Hindi tumitigil ang mga anak ng tokwang ito sa pagdadala ng mga droga sa bansa.

Shabu, cocaine, party drugs. Name it, you have it.

May isang kakabit na problema, may mga Pinjoy na sumasali sa pagpapapasok ng mga drogang ito. Malaki kasi ang kita kahit kapalit ng buhay.

NIGERIANS AT BITAY SA TSINA

Noong una, karamihan sa mga sangkot na druglord sa cocaine ay mga taga-Nigeria.

Ginagawang mule o tagabiyahe ang mga Filipino papuntang Hong Kong o Tsina hanggang sa mahuli at mabitay ang mga ito.

Pinakahuling mule papuntang Hong Kong si Ann Rian Santos Cuz, call center agent at may dalang 390 gramo ng cocaine mula sa Manila.

Dahil sa pagkabitay ng mga Pinay sa Tsina, naghigpit ang Pinas ukol sa mga drug mule at nahuli ang ilang Nigerian na recruiter ng mule.

BRAZILIAN, RUSSIAN, KANO

Nitong huli naman, may Russian, Brazilian at Amerikano ang nahuli ng mga awtoridad.

Nitong Agosto, nahuli sa Diosdado Macapagal Airport sa Pampanga ang Chinese-American na si Alan Soo Hoo, ng New York, na may dala-dalang dalawang kilo ng cocaine na nagkakahalaga ng P18-milyon.

Pawang mga dumaan naman sa Ninoy Aquino International Airport ang mga sumunod na nahuli.

Ngayon buwan ng Oktubre, nahuli ang Russian na si Yury Kirdyushkinin na may dalang 7.4-kilong cocaine.

Kasama niya ang mga Chinese na sina Chan Ka Wai at Pau Ho Man Evan na may siyam na kilo ng shabu.

Brazilian naman itong si Yasmin Fernandez Silva na may dala-dalang 6.2-kilong cocaine.

Ngunit sa unang mga araw ng Oktubre, nahuli rin si Jonjon Villamin na isang estudyante, na may dalang 4.6-kilo.

Itong sina Villamin hanggang kay Silva at grupo ni Kirdyushkinin ay galing sa Brazil, dumaan sa Dubai at saka dumiretso sa mahal kong Pinas.

MATAGAL NA

Kung titingnan ang kasaysayan ng pagpasok ng cocaine sa Pinas, lumalabas na matagal na itong ginagawa.

Hindi lang pinapansin noong una hanggang sa magkabitay-bitay ang mga Pinoy sa Tsina.

Hindi kaya maraming nagkapera na opisyal ng gobyerno sa pagpasok ng cocaine sa ating bansa?

Tinatanong natin ito lalo’t may mga heneral pala at matataas na opisyal ng gobyerno ang sangkot sa droga.

Narco-politics ang tawag dito.

BUKING NA, BUKING PA

Nito lang pagdating ng administrasyong Duterte nagkakaroon ng mahigpit na pagbabantay sa droga kaya naman sunod-sunod ang mga nahuhluling smuggling ng mga cocaine, shabu at party drugs.

Siyempre pa, mga Bro, galing sa mga barko ang mas malalaking bulto ng droga, lalo na ang shabu, at mga sangkap sa paggawa nito.

Kaya napakalalaking shabu lab ang ipinatayo sa La Union, sa Batangas, sa Metro Manila, sa Bulacan at nitong huli, sa Arayat, Pampanga.

Iba pa ang mga ready-made na shabu na iniismagel.

OPLAN TOKHANG AT HVT

Maganda ring isipin na simula nang magkaroon ng seryosong kampanya versus droga ni Pangulong Rodrigo Duterte, dumami ang mga taga-ibang bansa na nagbibigay ng tip ukol sa drug smuggling.

Itong mga huling kaso sa cocaine ay itinip ng mga dayuhan sa mga awtoridad ng Pinas.

Nakaangkla ang kampanya sa Oplan Tokhang at Oplan High Value Target na ordinaryo at malalaking at sikat na mamamayan ang target.

Kaya nga sinasabing Oplan Double Barrel ang buong kampanya.

Ang sabi ng ilang awtoridad, sa cocaine na bumabaling ang mga naadik sa shabu at druglord.

Lumiit na kasi umano ang suplay ng shabu at nagmahal pa ito.

Anoman ang kalagayan, dapat na ituloy ang giyera sa gitna ng mga kritiko rito na inutil naman o kaya’y narco-politician mismo.

oOo
Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring iparating sa 09228403333 o i-email sa bantiporda@yahoo.com. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>