Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SARILI AT MGA KALAPIT-BANSA MUNA

$
0
0

TAMA lang ang ginagawa ng gobyernong Duterte na paunlarin nang higit ng Pilipinas ang relasyon nito sa mga kalapit-bansa sa halip na sa mga bansang may kalayuan gaya ng Amerika at Europa.

Bukod sa mga bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations, kailangan ding makipag-ugnayan nang mahigpit ito sa mga bansang Hapon, Tsina, South Korea at Russia.

Binubuo ang ASEAN ng Pilipinas, Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand at Vietnam.

AMERIKA ALANGANIN

Walang nakatitiyak kung ano talaga ang gustong mangyari ni American President Donald Trump na makaaapekto sa mahal kong Pinas.

Basta sa ngayon, nagkakandaletse-letse ang biyaheng papuntang Amerika ng mga mamamayan ng Iran, Iraq, Libya, Yemen, Sudan, Somalia at Syria.

Bawal ang mga ito at kahit ang mga may hawak ng US green card ay kailangang dumaan ng 90 araw na screening habang 120 araw naman ang aabutin na pagsala sa mga refugee.

KONTRA-TERORISMO

Simple lang ang rason ni Trump sa pagbabawal: Kontra-terorismo.
Nanggagaling umano sa nasabing mga bansa ang mga nakapapasok na terorista sa kanyang bayan.

Ayaw nito sa mga terorista na wala nang ginawa kundi maghasik ng kamatayan at gulo.

Seguridad ng mga Kano ang pangunahing iniisip ni Trump at lahat ay gagawin nito upang magiging ligtas umano ang mga Kano mula sa terorismo, lalo na sa loob mismo ng Amerika.

NEGOSYO PINABABALIK

Pero may mga bagay na mahalaga na rito na siguro maaapektuhan ang mahal kong Pinas.

Kabilang dito ang pagpapauwi ni Trump sa mga kompanyang Kano alang-alang umano sa mga obrerong Kano at para muling umunlad nang todo ang Amerika.

May babala ito: Pagbubuwisin niya nang mataas ang mga hindi susunod sa patakarang ito.

May iba pang mga pandisiplinang aksyon na kasunod umano ng mataas na buwis.

CALL CENTERS AT IBA PA

Totoo bang higit na nakararami sa mga call center sa Pinas ang hawak ng mga Kano?

Gaano kalaki ang bahagi ng kumpanyang Kano sa tekonolohiya gaya ng mga kompyuter at computer parts at pangkomunikasyon na nasa Pinas din?

Ang mga kumpanya sa gamot, kemikal, appliances, damit, goma, sasakyan at iba pa gaya ng Ford, pauuwiin din ba ang mga ito sa Amerika?

Ang totoo, wala tayong magagawa kung mangyari man ito.

Hindi naman pupwedeng manikluhod ang ating pamahalaan at magmukhang pulubing mamamatay sa gutom ang mga Pinoy kung wala ang mga Kano.

TUMINDIG TAYO

Naranasan na nating maiwanan ng mga Kano sa Subic at Olongapo at Angeles City at Pampanga-Tarlac na kinatayuan ng mga base militar noon ng mga Kano.

Oo, nanghina ang mga lokal na ekonomiya sa mga lugar na ito pero paglipas ng panahon, nakita nating mas maunlad ngayon ang mga ito.

Dahil pinalitan ng mga pabrika at iba pang negosyo ang mga club at iba pang putahan na naglipana noong lungga pa ng American military ang nasabing mga lugar.

Magtanong pa kayo kina Senador Dick Gordon at iba pa na nagpabangon sa Subic Freeport at Clark Air Field.

ASEAN

Malaki ang gagampanan ng 10 bansang ASEAN para sa pag-unlad ng Pinas at mga bansang bumubuo nito.

‘Yan lang patakarang walang visa na pinaiiral ngayon sa pagitan ng mga bansang ASEAN ay makatutulong sa pagkakaunawaan at pagpasok ng mga negosyo sa bawat bansa.

Ngayon naman ay may mga negosasyon para sa pagtatayo ng mga negosyo sa isa’t isa at may mga importasyon at eksportasyon ng mga kalakal at serbisyo.

TSINA, RUSSIA AT SOUTH KOREA

Kung mapauunlad nang husto ang relasyon natin sa mga bansang South Korea, Japan, Tsina at Russia na pawang mga mayayaman at industriyalisadong bansa, aba, hindi malayong yayaman at magiging industriyal din ang Pinas.

Sa ngayon, halos P1-trilyon ang pangakong pautang ng Tsina at Japan sa atin na pupwede nating gamitin para sa ating pag-unlad.

Ang Russia, nagsimula na ring umangkat ng mga produktong agricultural sa atin gaya ng saging at pinya at handa ring magpautang.

Ang mga Koreano, nakapagtatayo na ng mga malalaking pagawaan sa Pinas gaya ng Hanjin bagama’t naumang nakapagtayo ang mga Hapon ng malalaking pagawaan gaya ng mga assembly plant ng mga sasakyan at goma.

Hindi natin isinasantabi ang Amerika ngunit welcome na welcome ang mga taga-Asya bilang ating mga pangunahing partner sa pag-unlad.

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09228403333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>