Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

TIWALA AT TIYAGA NAGBUNGA NG MABUTING GAWA

$
0
0

pakurotMALAKI ang tiwalang ibinigay ni Quezon City Police District (QCPD) director Sr. Supt. Richard Albano sa hepe ng District Anti-Illegal Drugs (DAID) na si Sr. Insp. Robert Razon at mga tauhan nito kung kaya’t bagaman walang pasalubong ang mga ito sa kanya nang maupo sa pwesto noong Enero 12, 2013 ay ipinagkibit balikat na niya lang ito.

Katwiran ni Albano, hindi kailangang pilitin ang trabahong hilaw pa sapagkat alam niyang hindi ito magbubunga ng maganda kaya’t bukod sa pang-unawa, ipinagkaloob niya ang tiwala at tiyaga kay Razon at mga tauhan nito na hindi naman nagpapabaya sa halip ay tutok sa trabaho na umabot ng mahigit sa dalawang buwan.

Nagbunga ang pagtitiyaga ni Razon at mga tauhan na talaga namang hirap na hirap sa pagtutok mula Quezon City hanggang Pampanga at kung saan-saang bahagi ng Rizal at Bulacan sa mga bigtime na drug dealer.

Sa wakas, natumbok din nila ang mga ito sa isang operasyon sa Banaue at Makaturing sa Barangay Manresa, La Loma, Quezon City noong Lunes ng umaga kung saan nakumpiska ang may P200 milyong halaga ng shabu.

Sa magandang nagawa ng QCPD-DAID, dapat lang namang bigyan ng papuri at pagkilala ang mga kasama sa operasyon nito. At sana, huwag nang sumabit pa ang mga hindi naman nagtrabaho.

Sabagay, ibang klase naman si Albano dahil tiyak namang hindi lang tapik sa balikat ang ibibigay niya sa mga tauhan ng DAID kundi maging saludo ay hindi niya ipagkakait dahil nagdaan siya sa mga gawaing ganito.

Sa madaling salita, alam ni Albano kung paano maging isang opisyal at tauhan na nagtatrabaho. Kaya naman malaki ang respeto ni-ya sa mga pulis dahil, katulad niya, inilalagay rin ng mga ito ang kanilang isang paa sa hukay bukod pa sa nasasakripisyo ng panahon na dapat ay ibinubuhos sa pamilya.

Hindi natapos sa pagkakahuli sa drug dealers ang kampanya ng QCPD laban sa droga.

Nagbabala pa si Albano sa mga nakalalaya pang patuloy na nagpapakalat ng bawal na gamot na nakasisira ng buhay ng maraming tao lalo nasa kabataan na “magtago na dahil hindi lang naman QC police ang kalaban nila kundi ang buong PNP.”

oOo

Marami ang hindi nakakikilala kay Retired Chief Insp. Helena Malunes, ang personal secretary ni QCPD Director Albano. Dating naka-assign sa Camp Crame ang maliit na babaeng opisyal na ito na kilala sa tawag na “Bonsai” subalit napakalaki naman ng puso sa pagtulong sa kapwa lalo na sa mga pensioner at pamilya ng mga ito kaya naman walang patid ang pasasalamat na natatanggap at ipinaaabot dito.
Akala ng ilang mga pulis at police aide sa Camp Karingal ay masungit si “Bonsai” subalit ang totoo, napakadali nitong pakisamahan. Mali lang sila sa interpretasyon ng ginagawa nitong pagmamalasakit sa kanyang “boss.”
Iyong asawa ng isang retiree na kanyang tinutulungan na makuha ang pensyon para sa pag-aaral ng anak ay naiyak pa dahil hindi lang sa moral support ang ibinibigay nito kundi maging pera kahit pamasahe lang ay nakatutulong. Dumami pa sana ang lahi ni Major Malunes.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>